Chapter 2

227 12 1
                                    

Hit

"Camira...!" my mother is calling me.

Pere heto ako patuloy pa ring umiiyak at nagpapasanghab para umayos na ang paghinga ko.

At narinig ko na lang bigla sa likod ko si Mama.

"Anong nangyari sa 'yong bata ka!" she's now worried about me.

At nang hindi ko makayanan ay bigla na lang akong yumakap sa kaniya.

"Mama ang sakit. Pinipiga ang puso ko. Ang sakit, Ma. Hindi ko kaya!" patuloy kong iyak.

Walang nagawa si Mama kun'di ang yakapin din ako at umiiyak din.

Habang umiiyak ay inaalo niya rin ako.

"Tahan na, Camira. Makakasama pa lalo 'yan sa 'yo. Ano bang nangyari, huh? Bakit ka iyak nang iyak? Tumigil kana," haplos na nito sa likod ko.

"Ma. Nasasaktan ako. Gusto ko naman siyang sumaya. Pero bakit sakit naman ang ibinibigay nito sa 'kin," I cried so loud that there's no tomorrow.

Gusto ko nang magpahinga, para hindi na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa oras na 'to.

"Camira. Please tahan na."

Inakay naman ako nito sa kama ko at pina-upo. Kinuha niya rin ang nebulizer para magamit ko pa rin iyon.

Mabuti na lang at may tubig naman palagi sa bedside table ko. Kaya mabilis na kinuha ni Mama ang gamot para sa pagpapakalma at pina-inom iyon sa akin.

Hindi na malakas ang iyak ko. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Tell me, Camira. Ano ba ang masakit? Tatawagan ko si Doctora Lani para makapunta rito ngayon," nag-aalala pa rin ito.

At nakita ko na nga siyang nag da dial sa cellphone nito at tinawagan na nga si Doctora Lani.

"Ma... May girlfriend na si Bryce. At tinago niya 'yon sa 'kin... Ang masakit lang kasi gu-gusto ko po siya. Hindi ko masabi, kasi pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan naming dalawa. Pe-pero kanina, parang walang halaga 'yon sa kaniya. Hindi ko man lang alam na nililigawan niya si Amina at sila na ng isang bu-buwan. Alam kong gusto niya si Amina at masaya ako para sa kaniya. Pero kanina... Ang sakit lang po, kasi para na lang akong hangin kanina sa kaniya. Dati naman po, pinipilit niya 'ko at palagi siyang malapit sa akin oras-oras. Pero kanina, ramdam ko ang mataas na pader na naka-harang sa aming dalawa. Mama! Nasasaktan ako. Matagal ko na siyang mahal at hindi niya man lang pansin 'yon...," patuloy pa ring naglalandasan ang mga luha ko.

Nakita ko ang gulat at pagtulo ng mga luha ni Mama dahil sa mahabang sinabi ko.

Wala siyang sinabi at alam kong marami na itong iniisip ngayon.

Dahil ngayon pa lang ako nagsalita, kung gaano ko kamahal si Bryce at hindi bilang isang kaibigan.

Gumagamit pa rin ako ng nebulizer hanggang sa makarating si Doctora Lani sa bahay.

"Doc. Pasensiya na sa pagtawag," paumanhin naman ni Mama kay Doctora Lani.

"It's okay. Hindi na kayo iba sa akin," ngiti nito kay Mama.

Ang blessed ko lang dahil may isang doctor na nag tiyatiyaga para tulungan ako at gamutin.

"Camira, sinabi ko na sa 'yo na hindi ka puwedeng umiyak nang umiyak. Makakasama lalo 'to sa 'yo. We don't have a complete equipment here in your house, kaya mahirap na atakihin ka. Kayong dalawa lang dito ng mama mo. Naaalala mo pa ba ang sinabi ko? You need to balance your emotions. Lumayo ka sa mga bagay na makakasakit sa 'yo. And tell me, why are you crying?" even Doctora Lani is now worried about me.

His Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon