Chapter 18

162 6 0
                                    

Gonna Be You

"We should go. I don't want to see you sick, because of this...," he gently said, while still giving me a peck on my lips.

I smiled at him. "Did you already... forgive me, Bryce?" I asked but still sniffing.

"Ako dapat ang magtatanong niyan sa 'yo. I'm still sorry to you. Dahil naging duwag ako...," mas humina ang boses nito, kasabay pa rin ng malakas na ulan.

"I understand you, Bryce. Nagulat ka at nasaktan about sa sa-sakit ko...," I said in a lower voice.

Naiiyak at napipiyok na naman ako.

Niyakap niya ulit ako nang sobrang higpit na para bang ayaw niya na 'kong mawala o mabitawan sa bisig niya.

Gustong-gusto ko ang pakiramdam na 'yon.

"I love you, Camira. You know that I'll always at your side. Sasamahan kitang labanan ang sakit mo. Ngayon hindi na kita iiwan...," he said and kissed me on my forehead. Yumakap ulit ito sa akin. "At sana huwag mo rin akong iwan...," he whispered while sniffing.

Napabuka ko na lamang ang bibig ko. Hindi alam, kung paano sasabihin kay Bryce na nahihirapan na rin ako at parang hindi ko na kaya. Pero ayoko siyang saktan dahil dito. Ayokong masira ang naging usapan namin ngayon gabing maulan na 'to.

"I love you, Bryce. Please, tandaan mo 'yan," I whispered too and hugged him tight.

Nang ramdam niyang nanginginig na 'ko ay pumunta na kami sa sasakyan niya. Mabilis na 'ko nitong pinapasok sa front seat.

Basa ang upuan nito dahil sa akin, pero parang hindi 'yon alintana sa kaniya. Mabilis siyang pumasok sa driver's seat. Kinuha niya sa backseat ang kumot na palagi niyang dala at pinulupot sa akin.

"You're cold...," he's worried.

"Okay lang ako, Bryce...," I said, although ramdam ko ang namumuot na lamig sa katawan ko.

Ilang minuto kaming nagbabad sa ulan. Basang-basa rin kami na para bang basang sisiw.

Kahit papa-uwi na kami ay ramdam ko pa rin sa labi ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. That was my first time, he kissed me passionately. Nakakapang-lambot sa tuhod, pero hindi ako narupok dahil naka-agapay naman si Bryce sa akin.

Sumisinghot pa rin ako. Ramdam ang pag kabig ng dibdib ko. Kagagaling ko lang sa lagnat, heto ako at nagpa-ulan. Pero kung hindi ko ginawa na puntahan si Bryce, baka hindi na kami magka-ayos hanggang sa mawala ako sa mundong 'to.

Magkahawak kamay kami ni Bryce, habang nagmamaneho ito, hanggang makarating sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay. Laking gulat ko na't naandoon ang parents ni Bryce. Si Mama na parang hindi mapakali, mabuti't nasa tabi niya si Tita Bleya para mapahinahon siya.

"Jusko, Camira. Basang-basa ka... Kagagaling mo lang sa lagnat..." she said worriedly.

Umiiling-iling din ito.

"Sorry, Tita. Sorry po," paumanhin ni Bryce kay Mama.

Namumugto pa rin ang mga mata namin ni Bryce, kaya alam na rin siguro nila ang nangyari sa pagitan namin. Dahil nakatingin lang sa aming dalawa sina Tita Bleya at Tito Gian.

"Okay lang, Bryce. Mabuti't nagkita kayo ni Camira...," mahinang sabi ni Mama. "Magbibihis muna si Camira, ikaw rin."

Tumango naman ito kay Mama.

Hinawakan naman ako nito sa braso at pumunta sa kwarto ko. Siya na itong kumuha ng damit ko sa kabinet at walang may nagsalita sa pagitan namin.

"Ma," I called her.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now