Chapter 16

150 7 0
                                    

Scared

Two and half months had been passed. Mas nagiging matatag ang relationship namin ni Bryce.

Nagagawa ko na rin ang ibang mga bucket list ko kasama siya. Last time pumunta kami sa isang mall na may artificial snow. Doon ako nakahawak ng snow pansamantala kahit artificial lang iyon. Nag skating rin kaming dalawa. Nakapag pa piercing din ako sa magkabilaang tenga ko, but unfortunately nagalit si Mama, pero wala na siyang magagawa nagawa ko na, eh. Kahit si Bryce ay ayaw pero napapayag ko.

And until now, he doesn't know about my condition. Dahil hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kaniya ang totoo. Nakiki-ayon naman ang puso ko minsan pagkasama siya. Basta huwag ko lang papagurin ang sarili ko at i-balance ko lang ang emotions ko.

Marami na rin ang nakaka-alam na kami na nito. Lalo na noong lumaban sina Bryce, dahil na rin sa pagtawag ko sa kaniya ng 'babe'. Si Amina, hindi na rin gumagawa ng eksena.

"You look pale. Are you sure you're okay?" Bryce asked worriedly.

Finals na namin ngayon at nasa library ako kasama siya. Tapos na ito sa exam niya at hinihintay na lang ako. Last day na rin naman at mag sesecond year na kami next school year.

"Hin...di, okay lang ako, Bryce. Inuubo lang ako," I said and still coughing.

Mahinang sumasakit ang puso ko dahil doon. Hindi ko naman suot 'yong heart watch ngayon dahil nakalimutan ko sa bahay, dahil na rin parang kanina pa 'ko wala sa wisyo.

Mabuti na lamang at kaya pa naman nang katawan ko na mag take ng tatlong exams ngayon.

Hindi rin alam ni Mama na may sakit ako, dahil maaga itong umalis para magtrabaho. Pati parang kaninang umaga ko lang naman 'to naramdaman.

"Dalhin na kaya kita sa clinic or sa hospital. I'm worried about you, babe," inaayos na nito ngayon ang mga gamit ko sa lamesa.

Tapos na rin naman akong mag review.

Mahina naman akong napatawa. "I'm okay, Bryce. Isang subject na lang ang kukunin kong exam. Wait mo na lang ako, para sabay tayong umuwi."

He sighed. "Okay, hihintayin kita sa labas ng classroom mo, kung saan ka mag tatake ng exam."

Kinapa pa nito ang noo at leeg ko. Napa-iling naman ito.

"Bryce, huwag kang mag over react. Sinat lang 'to."

Pero kahit ako na nagsabi ay ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko.

Nangunot lang ang noo nito at umiling. "Iuuwi na kaya kita. You're not feeling okay, Camira. Ako na bahalang mag explain sa professor mo na hindi ka magkakapag take ngayon dahil may sakit ka...-" he's serious, but I cut him off.

"Huwag na. Isang subject na lang 'to. Kaya ko pa naman. T'ska, tara na," I gave him an assuring smile.

Wala na nga siyang nagawa. Siya na ang humawak ng handbag ko. Pinasuot niya rin ang jersey jacket niya sa akin, kahit may suot naman akong cardigan. Pero nakatulong din naman iyon para mawala ang lamig sa katawan ko.

Gaya nang sinabi nito ay naghintay siya sa corridor, sa labas lang ng classroom kung saan ako nag ta-take ng exam. Kahit na masama ang pakiramdam at nahihilo ay nasagutan ko naman 'yon ng maayos.

Nang tumayo na 'ko para ibigay ang test paper ay parang lumindol sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at napahawak ako sa isang upuan, para hindi ako matumba.

"Ayos ka lang ba, Miss Evanda?" tanong ng professor ko.

Ang ibang mga students na nag tatake ay napatingin na rin sa akin.

His Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon