Chapter 20

184 8 0
                                    

Vows

"Do you need anything, Camira?" Ate Keanie asked me while smiling.

"Wala na po, Ate. Sobra-sobra na po 'to. Thank you, dahil naandito kayo para sa amin ni Bryce."

Nag bend ito ng kaunti habang hawak na 'ko sa magkabilaang balikat ko. Naka-upo kasi ako sa kama habang siya naman ay nakatayo.

"I'm the one who needs to thank at you, Camira. Sobrang saya namin na sinagot mo ang proposal ni Bryce. And you also deserve this."

Ngumiti ako nang mapait sa kaniya. "Pero sinabi ko na po 'to kay Mama at kayna Tita Bleya na hindi po 'to ipapa-register. Ako na po ang may gusto. Ayokong itali si Bryce sa pangalan ko. Ayoko siyang itali hanggang sa dulo. Bata pa si Bryce, kung mawawala po ako... He can start his new life again. Find a woman who will be at his side no matter what. 'Yong mamahalin si Bryce, aalagaan si Bryce, hindi sasaktan at hindi iiwan. Because I can't give that to Bryce, Ate. Labis ko na siyang nasaktan. At ayaw ko siyang itali sa mapait na bangungot kung mangyayari man iyon..."

Naging tahimik si Ate Keanie. Umupo na sa tabi ko habang hawak na ang dalawang kamay ko.

"But, Bryce will still hurt, if he knows that you don't want to register your marriage with him. Ito ang gusto niya, Camira. Sana pagbigyan mo na ang kapatid ko. He changed when he met you. You changed him and he became so matured because of you. And I'm thankful na dumating ka sa buhay niya. You're his angel, Camira," she said while wiping my tears now. "Mas gugustuhin pa ni Bryce na itali ka niya sa pangalan niya, kahit siya pa ang mawalan. He's in love with you. Matagal ko na 'yong alam, pero torpe lang ang kapatid ko at ayaw na masira ang pagkaka-ibigan niyo. At huwag mong sabihin na mawawala kana. You need to have hope and faith in God, Camira. Mabubuhay ka pa ng matagal. After a weeks of your marriage with him. Pupunta kayong States para sa magiging surgery. Gagaling ka at tatagal pa ang buhay mo..."

Kita ko na ngayon ang pamumula at pamamasa ng mga mata ni Ate Keanie.

"Pero... Paano pag hindi na 'ko nagising, Ate...-"

Mabilis na umiling si Ate Keanie sa akin. "Please, huwag mong isipin 'yan, Camira. Just think that there's a lot of people waiting for you to open your eyes. Maraming nahihintay na mga mahal mo sa buhay. Lalo na si Tita Tashia, maging si Bryce at kaming lahat."

Tumango ako kay Ate Keanie at niyakap siya.

"At pumayag kana na totohanin ang kasal niyong dalawa, Camira. Mas gugustuhin ito nang nakararami."

Tumango na lamang ako kay Ate Keanie. She's right, hindi naman gusto ni Bryce na maging isang laro lang itong kasal namin. He proposed to me. Gusto niya na maikasal kami, kahit sa batang edad pa lang namin. We're eighteen years old, legal na rin naman ang magpakasal.

"At huwag ka nang mag-isip. Think about your wedding with him tommorow. Naandito lang kami at magpahinga kana rin. Baka makita ka ni Bryce na umiyak at ako ang awayin," she laughed. Lalo lang ako nitong pinapatatag.

Iniwan ako nito sa guest room ng resort at nagpahinga. Naandito kami sa private resort ng pagmamay-ari nina Kuya Jaz at Kate. Bukas na ang kasal namin ni Bryce. May namumutawi namang saya sa puso ko, pero hindi ko mapigilan na mag-isip nang mag-isip.

Marami ang dadalo kaya nag sisidatingan na rin sila. Pati ang pamilya ni Havin ay invited.

Nang malaman ng mga parents namin ni Bryce na nag proposed siya sa akin ay walang tumutol. Sa katunayan pa nga niyan ang lahat ay sobrang saya. Umiiyak si Mama at Tita Bleya sa nalaman. Mas suportado pa nga sila sa mangyayari.

I know, they want to do it, because for my sake and for Bryce. Life is short, we don't know what will happen to us soon. Kaya nga bilis na bilis sila sa pag prepare ng kasal, gaya na rin ng gusto ni Bryce. Kahit ako ay walang naitulong, dahil ayaw naman nila akong mapagod.

His Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon