Chapter 7

162 8 0
                                    

Beautiful

Nagising naman ako, dahil parang may flash na nakatuon sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kinukusot iyon. Pero hindi pa rin tumitigil ang pag flash at narinig ko rin ang pag-click ng camera.

At nang umayos ang paningin ko ay tumambad naman si Tita Bleya na may hawak ng DSLR at kinukuhanan pala kami ni Bryce.

Naramdaman ko namang nakasandal na 'ko sa balikat ni Bryce, habang si Bryce naman ay tulog pa rin.

Umayos naman ako ng upo at si Tita Bleya ay naririnig ko nang tumatawa habang wala pa rin itong humpay sa pagkuha ng litrato sa amin ng anak niya.

"Ma! Ang sakit sa mata!" rinig ko nang singhal ni Bryce, habang kinukusot na rin ang mga mata nito.

Nakahinto na rin ang sasakyan at siguro ay nakarating na kami sa resort, dahil bukas na ang van at kami na lang ang natira ni Bryce at si Tita na hindi pa rin tapos sa kaka picture sa amin ng anak niya.

"Kanina pa tayo, dumating. At ang sarap ng tulog niyo. Bilisan niyo riyan. Dahil kakain na tayo!" halakhak pa ni Tita Bleya.

Inayos ko naman ang sarili ko at inayos ang mga pagkain na hindi na namin naubos pa. At nilagay ulit sa lagayan at paper bag.

"Ma, akin na 'yong camera. Patingin ako," sabi pa ni Bryce.

"Ayoko nga. Lumabas na kayo," sabi pa nito at lumabas na nga.

At nakita ko naman si Mama na nasa labas din hinihintay kami.

Siguro nga't napasarap kami sa tulog ni Bryce habang nasa byahe.

"Aray!" sambit naman ni Bryce habang hawak ang balikat nito kung saan ako umulon.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang bigat ng ulo mo, Camira," busangot na nito sa akin.

Mas sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Sorry, huh! Hindi naman kasi ako dapat sasandal sa balikat mo kung hindi mo hinawakan ang ulo ko at isinandal diyan sa balikat mo."

Napangisi naman ito at inayos ang buhok niya. Wala na yatang masabi ang loko.

"Ano pang pinag-aawayan niyo riyan, Camira. Lumabas na kayo," rinig kong puna ni Mama.

Nauna naman akong lumabas at sumunod naman ito.

"Nasan po 'yong maleta, Ma?"

"Kinuha na ng isang boy at dinala na sa magiging kwarto natin."

Si Tita Bleya naman ay hindi pa rin tapos sa pagpipicture nito.

At doon ko lang napansin na sobrang ganda ng resort. Nasa bandang taas na kami at may hagdan naman pag gustong bumaba sa dalampasigan.

"Smile...!" sambit ni Tita Bleya at kinuhanan kami ni Mama ng litrato.

At si Bryce naman ay nakisali pa.

"Bryce umalis ka nga riyan. Hindi pwede ang tatlo! Pinagbabawal 'yon."

Umalis naman si Bryce sa tabi ko at nagkamot pa ng ulo nito.

"Kami rin ni Camira, Ma," pahabol pa nito.

"Mamaya na. Puno na 'yong camera ko sa pagmumukha niyong dalawa," tawa na ngayon ni Tita Bleya.

Kaya napatawa naman ako.

Naglakad naman kami, habang naka-hawak ako sa kamay ni Mama na parang nag hoholding hands kami at nag swi-swing din ang mga iyon.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now