Chapter 17

144 7 0
                                    

Cry

Tapos na ang three days na pananalagi ko sa hospital. Para akong napagod sa mga test na ginawa sa akin. Palagi rin akong tulog at hindi ko na rin alam kung sino ang bumibisita sa akin. Marami pang diniscuss si Doctora, lalo na sa magaganap na heart transplant sa akin. Mababa pa rin ang chances na maibigay sa akin 'yon at ramdam ko na naman ang takot na namumuot sa puso ko.

Kahit anong inom ko ng gamot at kain ng mga masusustansiya, nanghihina pa rin ang katawan ko.

Dapat nga ay roon na 'ko sa hospital mananalagi. Para sa nalalapit na surgery para sa akin, kung sakali mang matuloy at maibigay sa akin ang pusong 'yon.

Pero alam kong pag namalagi pa 'ko roon, mas lalaki nang lalaki ang bills ko sa hospital. Hindi pa naman sure kung sa akin nga maibibigay. Kaya kahit anong pilit ni Mama ay gumawa ako ng excuses para pumayag lang ito na sa bahay na lang muna ako.

Dahil kahit hindi niya man sabihin, alam kong kapos na kami ngayon sa pera. Malaki ang babayaran para sa magiging surgery at hindi ko alam kung saan siya maghahanap o manghihiram ng pera.

And about Bryce, wala pa rin akong balita sa kaniya. I don't want to contact him, dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi naman ako galit, kung bakit ayaw niya 'kong bisitahin. Kasalanan ko naman why he can't visit me at the hospital.

Gaya nga ng sabi ni Havin, ayaw ni Bryce na makita ako sa ganoong sitwasiyon and I understand his side. Sa ilang taon ko ba namang sekreto sa kaniya na may sakit ako. Hindi niya naman 'agad 'yon matatanggap.

"Salamat po, Doctora Lani," parang wala sa wisyong sabi ni Mama.

Binaba 'agad nito ang cellphone na hawak niya at napabuntong hininga.

I faced my mother. "Anong sabi, Mama? May date na ba kung kailan gaganapin 'yong surgery?"

Takot ako na matuloy, pero takot din ako na hindi maibigay ang puso na 'yon sa akin. Maghihintay na naman ako na magkaroon ng donor. Baka hindi ko na makayanan pa.

She just shook her head at me. "May isang donor dapat, pero walang chance na maibigay 'yon sa 'yo. Mababa ang percent, lalo na sa lumabas na test na isinagawa."

Ramdam ko sa boses ni Mama ang pagod, pagka-dismaya at pinipigilan na maiyak.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Okay lang 'yon, Mama. Kaya ko pa naman..."

Inayos naman nito ang buhok ko. "Alam kong hindi ka okay, Camira. Hindi mo na kaya. Kung maaari lang, kinuha ko na sana ang sakit mong 'yan, para hindi ka na mahirapan pa."

Niyakap ko na lang si Mama para hindi na makita ang reaksiyon ko. "Sabi naman po ni Doctora Lani, may mga treatment pa naman na pwedeng isagawa sa akin. Tulad na lang daw po ng coronary artery bypass graft (CABG) surgery, pero ayon daw po 'yong traditional treatment. Pero kung hindi ko raw po 'yon makayanan, 'yong another option ang gagawin at 'yon ay ang enhanced external counterpulsation (EECP). Makakaya ko naman po 'yong ganoong surgery."

Narinig ko ulit ang buntong hininga nito.

"Pero natatakot ako sa magiging mangyari, Camira... Baka hindi mo na...," hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin.

Makayanan? Pero makakaya ko nga ba talaga ang ganoong surgery?

Ayon ang sinabi ni Doctora Lani kahapon sa amin ni Mama. Tama nga na mababa lang ang chance na maibigay sa akin ang pusong 'yon. Kaya may ibang treatment na nakalaan sa akin. Pero baka maging critical at hindi na 'ko magising pa.

Kaya ang tanging magagawa ko lang ay 'wag nang ituloy 'yon. Dahil marami pa 'kong gustong gawin. At hindi pa kami maayos ni Bryce.

"Pero, Ma...-"

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now