Chapter 15

149 6 0
                                    

Babe

"Oh! G! Grabe. Sa ganoon mo siya sinagot? Tapos sa pizza box mo pa nilagay 'yong painting? Wow, mas magaling ka pa lang gumawa nang paraan, eh! Ikaw na expert!" she shrieked.

Mabuti na lang talaga nasa labas kami ng reception ni Kate. Katatapos lang ng kasal nina Ate Keanie at Kuya Jaz. At sa isang five star hotel naman ginanap itong reception.

"Tapos ngayon mo lang sinabi na kayo na pala. Grabe! One week na pala kayo! Bakit hindi ko man lang 'yon napansin."

"Shhhhhsss...," pagpapahinto ko sa kaniya.

"But it's okay. Kinikilig lang talaga ako. Alam na ba 'to ng mga parents niyo?"

"Hmm... Kay Mama nasabi ko na sa kaniya no'ng naging kami ni Bryce. Pero sa parents ni Bryce hindi pa."

Tumango-tango naman ito, hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.

"I'm happy for the both of you, Camira," she hugged me now.

"Thank you, Kate."

Humiwalay naman ito sa akin. "Grabe talaga. Kung may lakas loob lang sana akong mag confess, meron na rin sana akong boyfriend," she pouted, pero tumawa rin naman 'agad.

"Kung gusto mo ng tulong, ako ang magsasabi kay Havin," tawa kong sabi.

Mabilis namang namilog ang mga mata nito habang umaayaw. "Loka, baka sabihin disperada na talaga ako. Mapapansin din ako nito. Mas maganda naman kasi ako sa mga babaeng umaaligid-aligid sa kaniya."

Natawa na lang tuloy ako kay Kate. Totoo nga yata talaga ang love at first sight. Natamaan siya, eh.

"Na'ndito ka lang pala."

Napalingon naman ako kay Bryce na may dala nang scarf para sa akin. Nilagay niya 'yon sa dalawang balikat ko. Katerno lang 'yon sa long gown na suot naming mga bridesmaids.

"It's cold. Bakit naandito kayo sa labas?"

Napansin ko naman si Kate na hindi pa rin mapigilan ang kiligin.

"Shit, talaga. Ayoko na. Mag bo-boy hunting na talaga ako!" padyak pa nito sa sahig.

Nagtataka naman ako nitong tiningnan.

"I told her, about us."

Wala naman siyang sinabi at hinawakan lang ang kamay ko.

"Let's go, I also have announcement to tell them."

Tumili naman ulit si Kate. "Sasabihin niyo na ba? Tapos kayo na ang isusunod na ikakasal?!"

"Oy, Kate. Mag hunos-dili ka muna," tawa ko na.

Pati si Bryce ay ganoon din, natatawa na kay Kate.

Nang makapasok kami sa loob ay nagsisiyahan na ang lahat. Tapos na rin 'yong ibang games na ginawa ng friend ni Ate Keanie. Magaling itong MC kaya tuwang-tuwa ang mga bisita.

Marami pa rin namang mga bisita ang sumasayaw. Lalo na ang nga katrabaho nina Ate Keanie sa bangko.

Lumapit naman kami sa round table, kung saan naka-upo ang parents nina Bryce at Kate. Kasama na rin doon si Mama na naging ninang din sa kasal na 'to.

Umupo naman kaming tatlo, habang si Bryce ay hawak pa rin ang kanang kamay ko.

"Ehem," mahinang ubo nito.

"Ma, Pa, Tita Tashia. May sasabihin po ako sa inyo," he said politely.

"Ano 'yon, Bryce?" Tito Gian asked after sipping his wine.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now