Chapter 11

142 6 0
                                    

Jealous and Curious

Days had passed and today is Saturday. That's mean, birthday ni Doctora Lani at inimbitahan kaming dumalo.

"Camira, naka-ayos kana ba?" tawag sa akin ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Teka lang, Ma! Inaayos ko lang po 'yong sapatos ko," I replied.

"Bilisan mo."

Binilisan ko naman ang pag-aayos ng sarili ko at ng lumabas ako ay wala na roon si Mama dahil nasa sala na ito.

I'm wearing a light pink puff simple dress and a white sneakers. Nakalugay lang din ang buhok ko, gaya ng sabi ni Mama, para naman daw maiba ang hairstyle ko. Dala ko rin ang sling bag kong may lamang wallet, panyo at cellphone.

"Tara na."

Sumunod naman ako kay Mama para makalabas na sa bahay. Sinarado niya na rin ng maigi ang pintuan at ang gate.

"Saan po kayo pupunta?" bungad ni Bryce.

Hindi ko alam kung bakit napapangiti na lamang ako pag nakikita siya. After nang sinabi ko sa kaniya. Hindi na muna ako lumabas, pero siya ay wala pa ring tigil sa pag text o pag tawag sa akin. Nagdadala rin ito sa bahay ng meryenda, pero si Mama ang kumuha no'n para sa akin.

Bryce and I, still need to talk about that topic. Naka-usap ko rin si Mama at wala naman itong problema sa kaniya. Pero marami lang siyang paalala sa akin. Hindi ko lang alam kung naka-usap ni Bryce ang parents niya about sa panliligaw nito sa akin.

"Birthday ni Doctora Lani," I answered in a low voice, and couldn't help but to avoid my gaze to him.

Pero hindi ko pa rin naman mapigilan ang sarili ko na tingnan siyang muli.

Dahan-dahan naman siyang tumango. "Hatid ko na kayo ni Tita, it's now at 6pm mahirap na ang maghanap ng masasakyan."

Napalingon naman ako kay Mama na nakatingin na rin pala kay Bryce. Hindi ko alam ang iniisip nito ngayon. Bumaling naman ulit ako kay Bryce na nagkakamot na ngayon sa ulo niya at hinihintay ang sagot namin ni Mama.

"Okay lang ba sa 'yo, Bryce. Nasa kabilang bayan pa 'yon. Mag papa refill na lang tayo ng gas," lintaya na ni Mama.

"It's okay, Tita. T'ska puno pa rin naman po 'yong tank ng gas, kaya 'wag na po. So..., lets go."

Hindi ko mapigilan na mapangisi, sobrang galang kasi ni Bryce ngayon.

Sumunod naman kami sa kaniya para kunin ang sasakyan nito at nagpaalam. Naka pambahay lang ito ngayon, pero bagong ligo. Siguro ay galing pa 'to sa pag papractice ng football.

"Doon kana sa backseat, Camira. Dito ako sa front seat," utos naman ni Mama.

Nakita ko naman tuloy si Bryce na napakamot ulit sa ulo niya.

Wala siyang magagawa iyon ang gusto ni Mama. T'ska, ayoko ring tumabi kay Bryce naasiwa ako, lalo na't kasama namin si Mama.

Kaya tinawanan ko na lamang siya at ginawa ang gusto ni Mama.

Habang nasa byahe ay maingat pa rin naman si Bryce mag drive at tahimik lang kami ni Mama. Tanging ang sounds lang ng music, huni ng aircon at paghinga namin ang naririnig ko.

Pinutol naman iyon ni Bryce nang magtanong ito.

"Bali, saan po, Tita?" he asked carefully, while took a glanced at me using the rearview mirror.

Itinuro naman iyon ni Mama at si Bryce naman ay nagpatuloy lang.

Sa isang restaurant sa kabilang bayan i-ce-celebrate ang birthday ni Doctora, kaya roon ang punta namin. Kung sa kanilang bahay sana ay hindi kami malalayuan. Puwede na sanang tricycle pag nagkataon. At hindi rin kami makahindi ni Mama kay Doctora at Havin, dahil alam naming malaki ang naging utang namin kay Doctora Lani.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now