Chapter 1

2.4K 49 22
                                    

ZIZY

"5:45 na, Zizy. Muntik na malate." sabi sa akin ng secretary namin habang pumipirma ako sa attendance.

"Wala pa naman si Ma'am." katwiran ko.

"Eh wala naman talaga si Ma'am kasi may seminar, subject teacher lang tayo ngayon." sabi pa niya.

Natapos din ako sa pagpirma ng attendance. Hindi ko na siya pinansin at umupo na sa upuan ko. 5:45 am ang parang call time namin. Ala-sais naman ang umpisa ng klase, half-day lang din kami.

May ginagawa kasing ibang building kaya kinapos kami sa mga classrooms kaya hinati sa oras ang klase. Pang-umaga ang Grade 7 at 8 at panggabi naman ang Grade 9 at 10.

"Zizy! Ang aga mo." bati sa akin ni JP pagkaupo niya sa tabi ko.

"Boy. Hindi ako maaga, late ako, at mas late ka sa akin." sambit ko na ikinatawa niya.

Mabilis kong hinatak ang tenga niya nang makitang may soot na naman siyang hikaw, bawal yon.

"Hindi ka talaga nadadala na masermonan. Ilang beses na kayong napagalitan dahil dito at diyan sa mga buhok niyo." sermon ko sa kaniya.

Dumaing lang siya sa akin at wala ng nagawa kung hindi ang tuluyang ibigay sa akin iyon, tinago ko kaagad iyon sa bag ko.

"Zizy! Magandang umaga. Hoy pare!" sunod namang dumating si V.

"Aba! Bagong gupit ka ata. Ano ito himala?" sabi ko at tumayo pa ako para hawakan ang buhok niya.

"Lunes ngayon. Alam kong mas mahaba pa ang sermon mo kesa kila Ma'am." sabi ni V at umupo na din sa kabilang side ko.

"Nasaan na ang iba? Tanghali na dyusko." sambit ko.

Hindi na nila ako pinansin dahil nag-umpisa ng maglaro sa cellphone ang dalawa. Umiling na lang ako at umayos ng upo. Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang ibang babae kong kaklase na may kanya kanyang chikahan. I can say na, I'm more close with the boys.

Kaya iyong ibang babae minsan parang may galit din sa akin. Syempre may itsura din naman ang mga kaibigan kong lalaki, inggit sila sa akin kasi mas close ako. Halos masama na din ang image ko dito, dahil minsan sumasama ako sa pag-cu-cutting nila. Pero doon lang ha!

"Zizy! Pagaya ng assignment, huhu!" sunod namang dumating si Cat.

"Wala din akong gawa. Intayin na lang natin si Jun, nag-aayos pa doon para sa flag ceremony." sabi ko.

Bagsak-balikat siyang umupo sa likod ko. Si Jun isa din iyon sa mga kaibigan namin, matalino tsaka matino hindi kagaya namin. Vice President din siya ng classroom namin. Doon kami laging gumagaya sa kaniya, minsan naman ay tinuturuan din niya kami lalo na kapag malapit na ang Periodical Test.

"Nagchat si Red absent daw siya ngayon. Tinamad daw." balita ni JP.

Anim kaming magkakabarkda, and yes I'm the only girl. Sabi ng iba malandi daw ako at maagang mabubuntis, puwede na silang manghuhula, pero mali ang hula nila. Hindi ako malandi, sadyang malapit lang talaga ang loob ko sa mga lalaki kesa sa mga babae. Walang arte at totoo.

Nakita ko si Jun kasama iyong President namin, mukhang oras na para sa Flag Ceremony.

"Guys, lumabas na kayo at pumila ng maayos." announce ng President namin.

Nagmamadaling lumabas na nga kami. Pumunta ako sa pila ng girls at humiwalay muna kila JP.

"Doon ka sa likod, Zizy. Ayokong makipagplastikan sayo." sabi ng isa kong kaklaseng babae.

"Baka ibig mong sabihin masyado akong matakad para dito. Pasensya ka na ha, nakalimutan ko kasing hanggang balikat lang kita."

"Zizy! Doon ka na sa tapat ni Cat." sambit sa akin ni Jun, nilalayo ako sa away.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now