Chapter 4

730 30 14
                                    

ZIZY

"Tulala ka diyan?" wika sa akin ni Cat.

Nandito ako sa bahay nila ngayon. Maaga akong tumakas sa bahay habang hindi pa nakakauwi si Kuya, Sabado na kasi ngayon at ang sabi niya ay ngayon ang uwi ni Mama, ayaw ko pa siyang makita.

Dumagdag pa sa maaga kong pagkagising ay iyong mga kahihiyan ko kagabi!

"Cat!!" ungot ko sa kaniya na parang nagsusumbong.

Nakahiga ako sa kama niya at siya naman ay nakaupo lang doon sa upuan ng study table niya, may study table siya kahit di siya pala-aral. Daig.

"Ano? Ang aga mo kong binuwisit ha." sabi niya.

"Sorry na, uwi ni Mama ngayon eh." sabi ko.

"Kaya naman pala." sabi niya.

Ngumuso lang ako at bumangon saka siya hinarap.

"Cat, may crush ata ako." sabi ko na ikinagulat niya.

"Ha? Gago ka!" nagulantang siya eh.

"Oo, naalala mo iyong sinabi sa atin ni Jun na taga-Pansol? Iyong nakakitang nag-akyat bakod tayo.. Siya 'yon." pagkukuwento ko.

"Puta ka, paano ka pa magugustuhan non, eh unang kita pa lang pala sa'yo ay akyat bakod queen ka na!" sambit niya.

Sinimangutan ko siya at mahinang hinampas. Nakakainis! Bakit kasi kailangan sa ganoon pa niya ako makita? Iyong time talaga na umakta akong cutting class queen! Puwede naman noong bumibili akong taho sa labas, o kaya iyong kumakain ako sa canteen! Nandoon pa naman kami sa school hanggang recess eh.

"Hindi lang 'yon! Kahapon nakasabay ko siya sa jeep, tas nagulat ako bumaba siya sa Calmarland eh taga-Pansol nga siya! Akala ko sinusundan niya ako kaya nagpasalamat ako at pinapauwi na siya, pero iyon pala kamag-anak niya iyong kapitbahay namin!" dire-diretsong kuwento ko.

Malakas siyang tumawa dahil doon, pinapanood ko lang siya habang halos mautas na talaga sa kakatawa. Noong unti unti na akong mainis dahil hindi siya tumigil, malakas ko na siyang binatukan.

"Ano ga?!" inis kong tanong.

"I can feel the second embarrassment, Zizy!" natatawa niyang sabi.

Inirapan ko siya. "H'wag kang mag-english nasa Batangas ka!"

Lalo lang siyang natawa doon, lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Pero seryoso, okay lang naman humanga sa isang tao.. Basta ga't alam mo ang mga limitasyon mo."

"Alam ko naman 'yan, duh!"

"Pero nakakahiya ka talaga, Zizy! Bakit ba naging kaibigan kita?" tumawa ulit siya.

"Ikaw ga? Paano ga kita naging kaibigan?" balik tanong ko sa kaniya.

Sabay kaming tumawa, ginulo pa niya ang buhok ko at inalis na ang akbay niya sa akin. Pinababa na kami ng Mama niya para kumain. Wala ang Papa niya ngayon dahil nasa trabaho pa, iyong Ate naman niya ay nagtatrabaho na.

Kaming dalawa lang ang nasa hapag dahil may kailangan daw bilhin si Tita sa bayan.

Taga-saan si Cat? Cawongan.

"Oh yan. May hotdog ka diyan, huli na kasi nang makita kong tinola niluto ni Mama." sabi niya at inabot sa akin iyong hotdog.

Hindi kasi ako kumakain ng tinola, ewan ko pero di ko siya bet. Natapos na kaming kumain ni Cat. Nang hapon na at medyo madilim dilim na, sinamahan pa ako ni Cat papuntang sakayan, puwede ko namang lakadin na lang sa Riverside hanggang sa amin eh, kaso magbiyahe na daw ako at madilim na.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now