Chapter 11

560 25 13
                                    

ZIZY

"Seryoso ka ga sa sinabi mo kanina?" tanong ko kay Colden.

Nandito kami sa may labasan dahil hinatid namin si Jun. Hinabol ko siya nang mauna na siya papasok sa village.

"Hoy, Colden. Seryoso ka nga? Mahirap kami i-handle, baka mas mahirapan ka lang mag-aral." sabi ko pa.

"Ako na ang bahala sa sarili ko. Maybe I can also help." he said.

Mukhang seryoso talaga siya. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakailang kasi! Tiyak na aasarin ako ni JP kasi nalaman na din niya na crush ko si Colden, mahilig pa naman iyong mang-asar!

"Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta binantaan na kita ha, mahirap kaming i-handle." I said.

Hindi na siya umimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nakasunod lang ako sa kaniya. Tumigil ako saglit nang mag-vibrate ang cellphone ko.

Kuya Tozoe-pal: Can't go home tonight, I need to do some reports.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad habang nagta-type ng reply para kay Kuya.

Zizy: Puwede umuwi ka bukas ng maaga? Need ka sa guidance. This time I'm the victim,Kuys.

Ilang segundo lang ay nagreply na siya.

Kuya Tozoe-pal: What? Anong nangyari sa'yo? Nawala ka din kahapon, kung hindi pa tumawag sa akin si Lola Conci hindi ko malalaman kung nasan ka.

Zizy: Malalaman mo bukas, kaya umuwi ka at lumiban muna sa klase mo. Panget mo,bye.

"Aray!" daing ko nang mabunggo ako sa likod ni Colden, bigla bigla na lang kasing tumitigil.

"Your Mom's car." he said.

Tumingin din ako sa tinitingnan niya. Nakita ko nga ang kotse ni Mommy papalabas ng village. Kita ko sa nakabukas niyang bintana na may kausap siya sa phone niya at malaki ang ngiti. Tiningnan ko iyon hanggang sa tuluyan ng makalabas sa highway.

"Saan ang punta 'non?" tanong ko sa sarili ko.

Okay na din 'yon. Mag-isa ako sa bahay ngayon! Walang epal.

"Nasaan Kuya mo?" tanong bigla sa akin ni Colden.

"Hindi daw makakauwi ngayong gabi, busy 'yon sa reports niya. Dami niyang absent eh." sabi ko.

Ilang saglit pa ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Nauna na akong pumasok. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na humilata sa kama ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising na lang ako nang may marinig akong tumatawag sa labas ng bahay namin. Sumilip ako sa bintana at nakita si Weddie doon.

Bumaba kaagad ako para harapin siya.

"Oh, Weddie, bakit?" tanong ko sa kaniya at pinagbuksan siya ng gate.

"Sabi kasi ni Colden wala daw ang Mommy at Kuya mo diyan sa inyo. Wala kang kasama." sabi niya.

Ang daldal talaga ng lalaking iyon.

"Wala nga, pero okay naman ako dito mag-isa." sabi ko sa kaniya.

"Sabi ni Mama doon daw muna ikaw matulog sa amin, natawagan na din niya ang Kuya mo. Delikado ka daw kasing mag-isa ngayon diyan, baka balikan ko nong mga sumugod sa'yo kahapon." she said.

"Nako, hindi na! Nakakahiya! Kaya ko naman mag-isa dito." sabi ko.

Maaga kasi ang pasok ko bukas. Mga 5 A.M dapat bihis na ako, eh sila mga 5 A.M pa lang dapat sila magigising.

Kailangan din dapat maaga ako bukas kasi kakausapin daw ulit ako ni Ma'am bago kami pumunta sa guidance. Nakakahiya naman baka asikasuhin pa rin ako ni Ate Daisy bukas.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now