Chapter 12

544 29 30
                                    

ZIZY

[Zina Zyler, umayos ka! Listen okay?] nauubos na pasensyang sabi ni Jun sa akin.

Kinakabahang tiningnan ko ang itsura niya sa cellphone ko. Ka-video call ko lang sila dahil nasa bahay sila ngayon ni Red. Tumigil na muna ako sa pagsama sa kanila dahil ayokong magpang-abot kami ni Colden sa jeep.

Mula noong umamin ako sa kaniya na ako ang nagsulat ng papel na hawak niya ay iniwasan ko na siya. I'm scared that he'll question me about that. I'm trying to forget that thing now.

"Inaantok talaga ako, puwede gang matulog muna?" sabi ko.

[Dahi-dahilan mo, Zizy. H'wag kang madaya sabay-sabay tayong magdusa] rinig kong sabi ni JP sa kabilang linya.

"Manahimik ka nga JP, kung nandiyan ako may sapak ka na sa akin, kanina ka pa eh." banta ko sa kaniya.

[Bakit ako matatakot wala ka naman dito?] tumawa siya.

"Humanda ka sakin bukas sa room." medyo naiinis ko ng sabi.

[Eh bakit nga ba kasi ayaw mo ng tumambay dito ha? Nag-umpisa 'yan 'nong maghalo-halo tayo tapos nagkausap kayo ni Colden.. Ano gang pinag-usapan niyo?] si Red iyon.

"Wala 'yon." sabi ko lang.

[H'wag mong sabihin na umamin ka na sa kaniya na crush mo siya, tapos binusted ka, kaya ngayon nahihiya kang magpakita sa kaniya!] bulaslas ni Cat.

"Hindi ah! Hindi naman ako umiiwas sa kaniya eh!" wika ko.

[Talaga lang ha? Eh sabi ni Weddie hindi ka daw lumalabas ng bahay niyo, ni pagbukas ng pinto hindi mo gawin, lalo na daw kapag nasa kanila si Colden.] sabi naman ni V.

"Hoy, V! Bakit nakakausap mo si Weddie? Hanggang ngayon ba kinukulit mo pa din siya?"

[No comment. Jun paano nga ulit ito?]  tanging sabi lang niya.

Nagpatuloy na lang kami sa pag-aaral. Sa isang linggo ay dito muna silang lahat sa amin tutuloy. Umpisa na ng review namin!

Iyong Mommy ko? Magmula noong umalis siya hindi pa din siya bumabalik ngayon. Kaya tahimik akong mag-isa dito sa bahay. Dinadalahan naman ako ng pagkain ni Ate Daisy o ni Weddie, takot akong pagbuksan sila ng pinto dahil baka si Colden iyon! Naglagay na lang ako ng monoblock sa may pinto namin para doon nila iwan iyong pagkain, may sticky note din ako na nilagay doon na may nakasulat na 'thank you, Ate! <3'.

School-Bahay lang din ngayon ang puntahan ko. Kapag kakain ng tanghalian ay kavideo-call ko na ang mga mokong dahil nga alam nilang nawawalan ako ng gana kapag mag-isang kumakain. Si Kuya Tozoe naman ang kasabay ko sa hapunan.

Lahat ng 'yan, effort ko para lang hindi magtagpo ang landas namin ni Colden.

After kong umamin sa kaniya na ako nga ang nagsulat noon ay walang imik ko siyang tinalikuran noon at hindi na siya sinulyapan hanggang maubos ko iyong mais con, kay Red na bahay din muna ako natulog noon para hindi kami magkasabay sa jeep.

I'm afraid of seeing him, not because I'm scared at him, it's just I'm scared to face the reality. Ang katotohan na alam na niyang lahat ng pagrerebelde ko ay dahil lang sa Mommy ko. Ang katotohan na, I can write, I was smart.

Mula nang tumungtong ako ng highschool, I promised myself that no one in my high school life will know how I was so dedicated in studying in my elementary life..

Ayoko, dahil ayoko ng masayang ang mga efforts ko kung sa isang iglap lang makukuha at sisirain iyon ng Mommy ko.

This is what my Mom made me to be, and this is how I'm gonna live my fucking life.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now