Chapter 3

844 29 10
                                    

ZIZY

"Zizy! Hinapon ka na naman!" salubong sa akin ni Kuya pagkapasok ko ng bahay.

"Kuys naman di pa nasanay. Kapag naman maaga ako umuuwi, galit din." reklamo ko.

Nasa kusina siya at nagluluto na ng hapunan namin, umakyat na agad ako sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis, kinuha ko agad ang cellphone ko pagkatapos.

Pumunta agad ako sa profile ni Colden, nag-scroll down pa ako. Wala siyang masyadong post at puro naka-tag lang siya. Madami din nag-congratulate sa kaniya sa pagkapanalo niya sa contest.

May nakita din akong family pictures nila doon, kung hindi ako nagkakamali ng hula base sa pictures na yon.. Meroon siyang Ate at nakababatang kapatid na babae.

Nang mainip na ako dahil wala naman siyang ibang picture bukod sa mga tagged, I tried to chat him, nakita ko din na online siya ngayon. Pero hindi ko alam kung paano uumpisahan.

Bakit ba ako nagfifirst-move diba?

I-ba-back ko na sana, pero pasmado iyong kamay ko at biglang napindot ang video call icon!

Dahil sa gulat at kaba nabitawan ko pa ang cellphone ko at hindi agad napatay iyon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang makitang nag-ri-ring pa iyon, agad ko ng pinatay.

"Zizy, tangina." sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Jade Colden Silva

Zizy: Sorry, napindot lang.

Chinat ko pa siya para lang mag-sorry baka kasi naabala ko siya! Kakahiya naman. Akala ko hindi niya ako re-reply-an, pero nagulat ako ng literal na magchat siya.

Colden: Thank you. You just save me from someone.

Medyo naguluhan pa ako sa reply niya. Nagtipa ulit ako ng i-re-reply ko.

Zizy: Nga pala, salamat din sa hindi pagsusumbong sa amin ng mga kaibigan ko.

Nag-intay ulit ako ng ilang minuto para sa reply niya.

Colden: H'wag ka sa akin magpasalamat, kay Jun dapat. He's the reason why I didn't tell it to the teachers.

Medyo napahiya naman ako sa reply niya. Ang gagi naman kasi, Zizy. Sa lahat ng puwede mong gawing topic, iyong pagtawid bakod mo pa.

Zizy: Ah basta, salamat.

Hindi na ako nakatanggap ng reply galing sa kaniya. Bumaba na din ako dahil tinawag na ako ni Kuya para sa hapunan.

"Wala kang assignment?" tanong niya sa akin habang kumakain.

"Nakakopya na ako kay Jun kanina." sagot ko.

"Why are you even copying his?" he told me.

Tumahimik na lang ako sa sinabi niya,manenermon na naman siya eh. Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas dahil iyon ang patakaran namin ni Kuya.



"Biyernes na sa wakas!" sambit ni Cat.

Naka-PE uniform kami ngayon, kumpleto na din kaming nakaupo sa mga upuan namin. Himala't hindi sila naeengganyong mag-cellphone ngayon.

"Moo Maa tayo!" aya bigla ni V.

Nasabi ko na bang mayaman si V? Puro engineer, at architect na mga kapatid niya, at 'yong mga magulang niya may business. Sadyang kuripot lang talaga siya.

Kuripot na nanlilibre minsan pag inulot.

"Libre mo? Nabigyan ka na allowance 'noh?" I said.

"Tama! May allowance na ako, kaya manlilibre na ako." proud na sabi nito.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now