Chapter 17

453 22 28
                                    

ZIZY

"Cat, may iba na siyang gusto!" ungot ko kay Cat habang nakahiga ako sa kama niya.

Lunes ngayon, dito ako natulog sa kanila kagabi at nang magising kami kaninang alas kwatro ay parehas kaming tinamad pumasok. Tadtad tuloy kami ng sermon sa GC namin dahil umabsent daw kami nang hindi nagsasabi.

"Ilang beses mo na 'yang naulit, Zizy! Utang na loob, tama na." he said, nasa tabi ko siya at pinipilit pa ring matulog, mag-a-ala sais pa lang kasi.

Umpisa na dapat ng first period namin, pero heto kami ni Cat, nakahilata pa.

"May padrama-drama ka pang dapat siyang iwasan pero nasabihan ka lang na may ibang gusto na siya ganiyan ka na, ang rupok mo ha!" he said in his sleepy tone.

Marahas akong bumangon at dahil sa lakas noon ay napabagsak siya sa sahig dahil nandoon siya sa dulo ng kama.

"Aray ko naman Zina Zyler!" daing niya.

"Sino kaya iyong iba niyang gusto? Maganda kaya 'yon? Matalino?" 

"Pucha, bakit ga sa'kin mo tinatanong?" sabi niya. "Gusto ko lang namang matulog pa." rinig kong bulong pa niya.

"Cat, ano nang gagawin ko? Hulog na hulog na yata ako." ungot ko pa.

Napabuntong hininga na lang si Cat at tuluyan nang nawalan ng pag-asang matulog pa. Tumingin siya sa akin habang kamot kamot ang ulo niya, inis na siguro sa kakulitan ko.

"So, sinasabi mo, na alam ni Colden na matalino ka dati kasi  napulot niya iyong papel mo dati sa newswriting?" tanong niya.

Tumango lang ako sa kaniya.

"Tapos, gusto niya iyong dating ikaw with burning passion in your eyes?" inartehan pa niya ang english niya.

Tumango ulit ako.

"Tapos ngayon, sabi niya hindi na niya gusto iyong matalinong Zizy kasi may iba na siyang gusto at gusto mong malaman kung sino iyon?"

"Oo! Pero paano ko nga gagawin 'yon? Eh iiwasan na nga natin sila!" 

"Eh di h'wag na natin silang iwasan! Tayo na lang ang umiwas na huwag silang idamay sa gulo natin." he said.

Napaisip ako sa sinabi niya.

"O baka naman kaya gusto mo siyang iwasan ay dahil natatakot ka na ang habol lang sa'yo ni Colden ay ang dating ikaw? Iyong babaeng gusto niya?"

Napatahimik ako sa sinabi niya. That was also one of the reason.

"Ayaw mo na ga talaga? Kasi Zizy, sayang, siguro kung nagseseryoso ka ngayon isa ka na sa mga with high or highest honor." he said, opening the topic we haven't talk for years.

Mapait akong ngumiti sa kaniya. Malalam lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

"Masaya na ako, Cat." I said, almost in whisper. "Alam mo naman dati, super pressured ako sa acads. Kailangang ma-meet ko iyong ganoong grades para makakuha ng magandang scholarship para sa future. Umiiyak ako sa tuwing bumababa ang grades ko, at parang ang sakit sakit sa mata kong makakita ng isang line of 8 sa card ko na halos line of 9 naman lahat.. Pero pakiramdam ko kulang pa din."

I remember those days, kung paano ako magbreakdown sa grades ko..

"Pero ngayon, Zizy? Pakiramdam mo ga malaya ka na sa lahat ng 'yon?" he asked.

"Oo. Wala na akong pakialam kahit halos line of 7 na 'yong card ko, kahit halos sa guidance na tayo, wala na akong pakialam sa klase.. I felt free from all the pressured I felt before."

Continue To DreamWhere stories live. Discover now