Chapter 22

1K 29 31
                                    

ZIZY

(this is a flashback)

"Good Morning, Zizy!" sinalubong agad ako ni Iris.

Kaibigan ko si Iris, naging magkaibigan kami noong Grade 2 pa lang kami, and now we're already Grade 6 students. We really get along together, specially now that she's with my friend, Jun.

"Morning.. Nakapag-floor wax na ang cleaners?" I told her.

Siya kasi ang vice president sa classroom namin at ako naman ang president. I'm also the top 1 student here in our class and she's the top 2. Many admires our friendship, parehas daw kasi kaming matalino at mabait.

Walang bahid ng inggitan kahit halos magkaribal kami sa placement ng top student.

"Yes, pres!" she laughed.

Malapit na ulit akong lumaban sa news writing, english. Si Iris ay sa sports writing nakatoka.

Gabi gabi tuloy ako nanonood ng balita and summarised it properly. Huling laban ko na ito ng News Writing dito sa PGCS, graduating na ako eh.

"Sina V at Red dumating na?" tanong niya sa akin nang maupo na kami sa upuan namin.

"Si V, oo. Si Red, mukhang absent na naman ngayon eh." sagot ko.

Tinaguan na lang niya ako. Dumating na din ang teacher namin kaya naman tumahimik na kami.

"Zizy, tingin mo forever na kami ni Jun?" tanong niya sa akin.

Lunchbreak ngayon, magkatabi kami sa upuan habang kumakain ng baon namin.

Tumingin ako sa kaniya at halata sa mga mata niya na naghihintay siya ng sagot ko.

"Oo siguro. Mabait si Jun, mabait ka, at magkaibigan pa ang magulang niyo, ano pang problema ang maaaring dumating, diga?" I answered.

Ngumiti siya sa akin at hindi tinago ang kilig.

"Mahal ko si Jun, Zizy. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya." she said as if she's not a Grade 6 student and as if she's now an adult.

"YOUR GRADES are good, Zizy.. Ikaw ang nangunguna sa option ng De La Salle Lipa for their full-scholarship for highschool, and even in senior highschool and college if you maintain this grade.

"La Salle po? They're offering a scholarship?" gulat kong tanong sa adviser namin.

"Yes, Nene. For the first time, La Salle offers a full scholarship in our school, but unfortunately for one person only, at sa tingin ko ikaw na iyon."

Nang sabihin iyon sa akin ni Ma'am ay may pinag-igi ko ang pag-aaral ko. I joined in ang extra curriculum I need, just like the news writing contest.

"Zizy, may ubo at sipon ka pa din?" tanong sa akin ng teacher ko na nag-coach sa akin.

Hinipo niya ang noo ko para tingnan kung may lagnat ako.

"Medyo mainit ka, Zizy. Sigurado ka gang kaya mo? Malapit na mag-umpisa."

"Kaya ko po, Ma'am. Sayang naman po lahat ng efforts natin kung di ako lalaban." sabi ko.

"Magsoot ka na lang ng facemask para hindi ka na makahawa. Eto oh." sabi pa niya at inabutan ako ng facemask na agad ko namang isinoot.

Madami nang estudyante pagpasok ko sa hall kung saan gaganapin ang competition. Umupo na ako at agad kinuha ang mga reviewers ko habang hindi pa nag-uumpisa ay mag-aaral na lang ako ako.

Naramdaman ko ang pag-upo ng isang estudyante sa harap ko. Mabilis ko lamang siyang tiningnan. Representative ng Pansol, lalaking pogi. Inalis ko din naman agad ang tingin ko sa kaniya dahil baka mawirduhan siya, binalik ko na lang ang tingin ko sa mga reviewer ko.

Continue To DreamWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu