Chapter 16

545 28 48
                                    

ZIZY

Ala-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Tiningnan ko si Weddie sa tabi ko at nakitang mahimbing pa din ang tulog niya. Dahan dahan akong tumayo at nagpunta sa banyo para mag-ayos.

Paglabas ko sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Colden na galing ata doon sa isang banyo, medyo basa pa ang buhok niya. Natawa ako sa spiderman na pambahay na suot niya, paniguradong kay Red iyon.

"Cute naman ng damit mo." natatawa kong sabi.

"Tss. That Red guy loves spiderman for sure." sabi niya.

"Halata naman eh. Pati brief 'non spiderman."

"Paano mo nalaman?" malisosyo niyang tanong.

"Ako pinaglalaba ng mga mokong minsan eh!"

"Your friendship is just unreachable." mangha niyang sabi.

"Syempre, magkakaibigan na kami kahit noong nag-uumpisa pa lang kaming magsulat at magbasa." I said.

Hindi na siya nagsalita. Tumingin lang siya sa akin kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. Mula sa mata ko unti unting bumaba ang titig niya patungo sa aking labi.

"Ano? Hahalikan mo na ako?" walang hiya kong tanong.

Umiling siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, he also rolled his eyes at me.

"May ube na 'yang labi mo." he said, hiding a smile on his face.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nagpunta sa camera. Tiningnan ko ang sarili ko doon.

Shit! Ube nga! Iyong suntok sa akin sa baba ng labi ko, naging kulay violet, maliit lang naman pero ang tingkad ng kulay nang pasa!

"H'wag kang ngi-ngiti! Ikaw may kasalanan nito." banta ko sa kaniya.

He sighed. "Ngayon isisisi mo sa akin? Kagabi sabi mo gusto mo lang gantihan iyong lalaki. What's the real reason, Zizy?"

"Alam mo, mas okay pa 'yong wala kang sinasabi." medyo inis kong sabi sa kaniya.

He just raised his brows and smirked at me! It was the first I saw him like that, and geez! Nakaka-inlove!

"Zizy, si Weddie?" medyo antok pa na tanong sa akin ni V.

Nasa harap na namin siya ngayon ni Colden, papikit-pikit pa at halatang nagpilit lamang na bumangon.

Colden beside me, looks at his wrist watch before looking at V again.

"Tuwing alas-otso ng umaga nagigising si Weddie sa weekends. Maaga pa, my cousin is not a morning person." si Colden ang sumagot kay V.

"Wah! Parang si V din! Mas malala pa si V kasi 10:30 am tulog pa 'yan." sabi ko.

"Zizy, manahimik ka nga. Pakigising na lang ako mamayang 8:00 am. Antok pa talaga ako." he said, before walking towards in my room.

"Hoy! Andiyan si Weddie, gago!" sigaw ko sa kaniya dahil mukhang nakalimutan niya.

Agad naman din siyang lumabas. "Oo nga pala, pucha."

Inakay ko pa siya pababa ng hagdan dahil paika-ika pa din siyang maglakad. Ewan ko ga kung paano niya nakayang umakyat dito.

Nakasunod naman sa amin si Colden.

Tulog po ang lahat ng lalaki sa sala, kahit si Jun na morning person din ay tulog pa. Dahil na rin siguro sa pagod kaya mukhang tatanghaliin na silang magising.

Binitawan ko na si V at hinayaang mahiga ulit sa tabi ni Red. Napangiti na lang ako nang makitang naka-terno na Spiderman na pajama na naman si Pula.

"Pasan ka?" Colden asked me.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now