Chapter 6

666 22 41
                                    

ZIZY

"Ano ayos ka na?" tanong sa akin ni Kuya pagbaba ko.

Isang Linggo na din ang nakalipas, sinunod ko na lang iyong payo ni Colden na magpatingin sa Doctor kaya siguro mas napadali iyong paggaling ng paa ko. Bumungad nga din sa akin ang chat ng mga mokong na aagahan daw nila ang pasok nila at babantayan ako sa may gate dahil Lunes daw ngayon at baka daw mapaaway na naman ako.

Mga sira talaga.

"Kaya ko ng lumakad, Kuys." sagot ko.

Madilim pa sa labas dahil halos wala pang ala-5.

"Kuys, bakit ang aga mo gumising ngayon? Wala kang pasok?" tanong ko, nakaupo na kami ngayon sa hapag.

"Luluwas akong Manila, may aasikasuhin lang ako doon." sabi niya.

"Ano naman 'yon?" tanong ko ulit.

"Basta. Bilisan mong kumain ihahatid na muna kita bago ako lumuwas." sabi niya.

Pagkatapos kong kumain ay hinila na agad ako ni Kuya papunta sa kotse niya. Nagalit pa siya sa akin ng papalabas na sana kami sa highway ng mapansin kong hindi ko nasoot ang ID ko kaya naman bumalik pa ako sa bahay.

Pagbaba ko ng kotse nakita ko agad ang apat na mokong sa may gate, nakita ko pa ang paghikab ni Red, eh hindi naman sanay pumasok 'yan ng maaga. Si Jun naman ay paniguradong tumutulong na para sa flag ceremony.

"Tinotoo niyo talaga?" natatawang tanong ko sa kanila.

Ang cute kasi. Halata pa sa mukha nila ang antok, pinilit lang siguro nilang gumising ng maaga. Usually kasi sila lagi ang huling dumadating sa section namin, siguro pati mga kaklase namin nagtataka na sa kanila, baka nga pati si Kuya Guard eh.

"Aba'y oo. Libre mo naman kaming egg burger mamaya, sayang 'yong gising ko." wika ni JP.

"Hoy, hindi ko naman kayo sinabihan na gawin ito." sambit ko.

Nag-umpisa na kaming maglakad, medyo sumisikat na din ang araw ngayon kaya naman medyo maliwanag na ng kaunti.

"Oo nga 'noh. Dapat pala si Jun ang sinisingil ko." dagdag pa ni JP.

"Bakit si Jun?" tanong ko.

"Eh kasi siya ang may pakana ng lahat ng ito. Siya pa nga nag-set ng alarm sa cellphone namin eh." V said.

"Oh eh, bakit kayo sumunod?"

Doon sila natigilan at iniwas ang tingin sa akin. Napangiti na lang ako sa kanila. Malakas sila mang-asar, magloko pero iyong pagturing nila sa akin sobrang ganda, they made me feel like I'm a princess who need to be protected as always.

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansing nahulog iyong ID ko. Yumuko ako saglit para abutin iyon at nagulat na lang ako ng bigla akong masubsob sa lupa!

Lintek na Lunes.

"Amputs naman, nadisgrasya na naman." rinig kong sigaw ni Cat.

Naramdaman ko ang pagkirot ng ilong ko. Mabilis akong tumayo para tingnan ang nakabunggo sa akin, mukhang pati ata siya nagulat dahil kita ko ang panlalaki ng mata niya at takot sa mukha.

"Sorry!" nawika noong babae.

Nagtaka ako nang mapansing uniform ng Pansol ang soot niya. Bakit naman may taga-Pansol dito? Lunes ng umaga? Sa National? Tulog pa ba ako?

"Okay lang.." sabi ko dahil mukha naman siyang mabait.

"Hala, dugo!" sabay turo sa ilong ko.

Agad naman akong pinaharap ni Cat sa kaniya at tinaas ang ulo ko. Naramdaman ko ngang may tumulo sa ilong ko. Kita ko ang taranta sa mukha noong babae, iniabot niya pa sa akin ang panyo niya.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now