Chapter 18

538 23 17
                                    

ZIZY

"Happy New Year!!" sabay sabay naming sigaw.

Mabilis na lumipas ang panahon. We're now all Grade 10 students. New year ngayon at nandito kaming lahat sa bahay namin para dito mag-celebrate, tradisyon na namin ito, and payag naman ang guardians nila na dito sila mag-celebrate ng new year.

"Zizy, tumalon ka bilis! Baka tumangkad ka pa." Cat said while jumping.

"Pang miss universe na 'yong tangkad ko duh!" sagot ko.

Tumawa lang siya.

Nanood muna kami ng mga fireworks, at nagpaputok din sila ng kaunti. Lumabas din ang pamilya nila Ate Daisy.

"Happy new year sa inyo." Ate Daisy said.

Ngumiti kaming lahat sa kaniya at binati din sila.

"Kumpleto kayo ah.. Pupunta din sina Colden dito." Weddie said.

Tumango lang ako. Nasabi din kasi iyon sa akin ni Colden.

Kami ni Colden?

We grew more closer, tuwing weekend nandito siya sa bahay nina Weddie kaya nagkakausap kami lagi, malimit na kaming magkausap tuwing weekdays dahil sa klase ko, pang-gabi na kasi ako..

Maya maya pa ay may dumating na na puting wigo. Unang lumabas doon si Cole na may nakakalokong ngiti na natural lang sa kaniya, si Cole? Ayon, kavibes na siya ng mga mokong.Matagal na ding nadrop-off iyong iwasang naisip namin.Sunod namang lumabas si Colden, may buhat siyang batang babae na kamukhang kamukha niya, Colden ang mukha, pero ang mga ngiti ay Cole.

"Coleen, kasama ka!" masayang wika ni Weddie sa batang babae.

Tumawa lang ang baby. Iyon siguro iyong bunsong kapatid ni Colden, two years old pa lang ito like what Colden told me.

Maya maya pa ay lumabas na ang mga magulang nila na nasa late thirties na. May mabait na ngiti ang Mama nila. Ang Papa naman nila ay walang ekspresyon sa mukha pero mapapansin mong mabait ito, kamukhang kamukha niya si Colden at Cole.

"Nako, 'yang baby na 'yan napaka-Kuya's girl, ayaw nang magpabitaw kay Colden." rinig kong sabi ng Mama ni Colden kay Ate Daisy.

"Ang cute naman." nawika lang ni Ate Daisy.

Naramdaman ko na ang pagkulbit sa akin ng mga mokong, hudyat na dapat na kaming pumasok sa loob para makakain na kami at mabigyan na din ng privacy ang pamilya nina Ate Daisy. Ngumiti lang ako at tumalikod na para sumunod.

But I stopped, when I heard Colden's voice.

"Happy new year, Zizy." he said.

Dahil sa ginawa niya ay napunta lahat ng atensyon sa amin. Ang mga mokong at si Kuya ay napatigil sa paglalakad papasok, si Cole naman ay nangingiting nakatingin sa amin, katabi niya ang Papa nila na nakatingin na rin sa akin, sina Ate Daisy at Mama nila ay ganoon din, pati na rin si Weddie.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

"Happy new year din." I told him. "Happy new year po." bati ko din sa pamilya niya.

Si Coleen na hawak ni Colden ay namamanghang nakatingin sa akin, nginitian ko siya at natuwa ako nang ngitian din niya ako.

Ang cute!

"Ku-ah, prewty Ate." Coleen said in her tiny voice and cute pronunciation, while looking at Colden.

Mas lalo akong napangiti doon! Diba nga, children's don't lie!

"Thank you, baby.. Pretty ka din." I told her, I bent down a bit so I can see her face clearly.

Her hair is in two braids and has a red ribbon on it. She's wearing a pink polcadots dress.Ang cute!

Continue To DreamWhere stories live. Discover now