Chapter 19

470 23 9
                                    

ZIZY

Nakatunganga pa din si Colden hanggang dumating na iyong order namin. Shock na shock siya sa sinabi ko eh. Feeling ko nga hindi pa nagsi-sink in sa kaniya 'yon eh.

"Hoy kumain na tayo." pagkuha ko muli sa atensyon niya.

"Jun had a relationship at that young age?" naguguluhang tanong niya.

Sino ga namang hindi magugulat sa edad? I mean we're just highschool student and yet called to be impulsive in love at this young age. Ano pa kaya iyong may karelasyon na noong elementary.

But Jun's relationship was different.

"Their family were close. As far as I remember, they did that for show because their family wanted them to get married in the future, but unfortunately fell in love which each other, then fell out of love before graduation." I told him.

Nasa akin lahat ng atensyon niya, halatang halatang gusto ang chika na chinichismis ko sa kaniya.

"How come I didn't know about this? We're classmates." he said.

"Patago lang ang relasyon nila." I said.

"That's a really big chika." he muttered.

Kuya Tozoe-pal calling..

"Sino 'yan?" Colden asked while we're now heading out of the mall.

"Si Kuya." I said before answering the phone.

"Bakit, Kuys?" I said.

Colden held my wrist because we need to go on the other side, busy pa din kasi ako sa phone ko dahil kay Kuya kaya hindi ako makapag-focus sa pagtawid.

[Pauwi na kayo?]

"Oo, Kuys. Pasakay na kami ng jeep." I said.

[Sige, ingat. Invite Colden for dinner, nagluto na ako dito.]

"Ang aga mo naman magluto, Kuys."

[Just invite Colden, Zizy.]

After that he ended our call.

For years, Colden and my Kuya also grew closer. Para ngang mas gusto pang kapatid ni Kuya si Colden eh, kapag alam niyang magkasama kami ni Colden he will tell me to invite Colden to eat at home.

"Sa amin ka na daw kumain sabi ni Kuys." I said.

He just nodded. We finally found a jeep to ride. I felt sleepy, so I tried to sleep, before finally going to my dreamland I felt Colden putting my head on his shoulder so I can sleep more comfortably.

"KUYS, DINE NA SI COLDEN!" sigaw ko habang binubuksan iyong gate namin.

Pumasok na kaming dalawa. Naabutan namin si Kuya na nanonood ng basketball sa TV, tumayo lang siya nang makita ang pagpasok namin.

"Kamusta? Nakabili kayo?" tanong niya.

"Oo naman, Kuys! Ako nakaisip ng idea kaya kami napadali." pagyayabang ko.

Niyaya na kami ni Kuya na kumain, tumanggi pa nga ako noong una kasi kakakain lang naman namin, pero itong si Colden masyadong pabida, um-oo agad! Akala mo naman hindi pa bundat sa kabusugan.

"Kamusta job hunting mo, Kuys?" tanong ko habang kumakain kami.

Nakatapos na si Kuya ng college last year, sa kursong BSBA Major in Marketing. Sabi ko nga bakit hindi na lang siya kay Daddy magtrabaho, gusto daw niya mag-start muna nang walang koneksyon sa pagtatrabahuhan niya, andaming arte 'no?

Ayaw na lang sabihin na, kaya ayaw niya doon sa kompanya ni Daddy, he's afraid to left me here alone. Hindi pa ako tapos ng Junior, may Senior pa ako.. Ilang taon pa din 'yon.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now