Chapter 23

149 8 7
                                    

ZIZY

(present time)

"Noong malaman nina Daddy at Kuya ang nangyari ay umuwi sila dito sa Batangas agad, si Mommy pa ang may lakas ng loob na lumayas sa bahay namin nang harapin at pagsabihan siya ni Daddy." I said.

Colden was just looking at me, listening.

"Si Jun naman, he blamed himself, kasi nalaman namin na nakita kami ni Iris na magkayakap sa bahay nila noong araw na pinuntahan namin siyang magkakaibigan, kasama ko naman ang iba noon eh, kaso ako lang ang nakita ni Iris, kaya naman inisip niya na niloloko namin siya."

Jun being guilty about what happened declined all the scholarship offered for him. Sinabi ko naman na hindi niya kailangang gawin iyon dahil ako naman ang magi-guilty, pero hindi siya nakinig sa akin, mabuti na nga lang at pumayag ang parents niya eh.

"You don't deserve all of that, Zizy." Colden said.

"I know, but it really crushed me."

"Your dream, will you continue it?" he asked.

"I really don't know.. Hindi ko alam kung paano ulit ako mag-uumpisa.. Natatakot din ako na baka mangyari ulit 'yong nangyari noon."

"Hindi na mangyayari ang nangyari noon sa'yo, Zizy.. You are much stronger now." 

Magdamag kong pinag-isipan ang sinabi sa akin ni Colden.

Mas malakas na nga ba talaga ako ngayon?

Kaya ko na nga ba?

Kahit ilang beses kong itanggi na ayoko nang mangarap, meron pa ding isang tinig galing sa puso ko ang gustong subukan ulit ito.. Natatakot lang ako na baka bumagsak ulit ako.

I can't accept failure again.

"ZIZY, BUKSAN MO ANG PINTO!"

Nagising ako nang makarinig ng malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Rinig na rinig ko din ang malalakas na boses ng mga mokong.

"Ano ga? Natutulog pa 'yong tao eh." reklamo ko sa kanila, pumipikit pikit pa.

"Sabado ngayon, tara g gagala!" malaki ang ngiting sabi sa akin ni V.

"Puwede namang sa pahapon diga? Hindi 'yong iniistorbo niyo ang tulog ko ngayong umaga!" inaantok ko pang sabi.

Hihiga na sana ulit ako sa kama ko nang hilahin ang ni Cat.

"Bawal nang matulog, Zina Zyler. Gagala tayo antok ka man o hindi." saad pa niya sa akin.

Dahil alam ko namang hindi na nila ako papatulugin ng payapa ay napilitan na lang akong sumunod sa gusto nila. Bumaba muna sila at hinayaan akong makapag-ayos.

Mabilis akong nag-shower, brushed my teeth and choose what to wear.

I decided to wear a white mini skirt, partnered with avocado green colored zara basic top and a pair of white shoes. Kinuha ko na din ang black sling bag ko para doon ilagay ang wallet at cellphone ko.

When I'm all done, I decided to go down na. Nagulat ako nang makitang hindi lang ang anim na mokong ang nasa loob ng bahay namin, nandoon din si Colden, nakatingin lang sa akin at wala man lang ekspresyon sa mukha niya.

Mukhang kasama namin siya dahil nakabihis din siya, halos magkalapit na ang green shade ng soot namin, mas dark nga laang ng kaunti ang kaniya, he's also wearing a white short. Mukha kaming naka-couple ootd!

"Ang sabihin niyo pinag-usapan niyo ba na magteterno kayo?" mapang-asar na tanong ni Cat.

"Hindi 'no! Baka tadhana lang talaga." sambit ko agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Continue To DreamWhere stories live. Discover now