Chapter 9

534 25 16
                                    

ZIZY

"Ano 'yon, Zizy?! Bakit mo ginawa iyon?!" mariin ngunit mahinang tanong sa akin ni Jun.

Kababalik ko lang ngayon mula sa guidance, kaming magkakaibigan lang ang nasa classroom ngayon dahil nasa ComLab ang mga kaklase namin. Hindi ko alam kung paano sila pinayagan ni Ma'am na hindi magpunta sa ComLab.

Tumingin lang ako kay Jun at mahinang natawa, nakangiti ako ngunit ang mga mata ko ay wala pa ring kahit na anong emosyon.

"Deserve nila iyon." sabi ko sa malamig na tinig.

Ang mga mokong ay hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Ang mga mata nila ay parang kinikilala ang biglaang pagbabago ng mga ekspresyon ko. Walang gana akong umupo sa upuan ako, pero sumunod pa rin sila sa akin.

"Dahil ba nandito ang nanay mo? Kaya nagrerebelde ka na naman?" diretsahang tanong ni Red.

"Red!" saway ni Cat dito.

Tumingin ako kay Red. "Oo! Tangina kasi ng nanay ko eh! Bakit siya bumalik? Ano na namang kailangan niya, putanginang yan."

"Zina Zyler ang bibig mo!" saway ulit ni Jun.

Tamad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Patapos na din naman ang klase, uuwi na lang ako. Maglalakad na sana ako ng hinarangan nila ako.

"Ano magka-cutting ka? May atraso ka pa nga sa guidance dadagdagan mo pa." wika ni JP sakin.

"Wala na akong pakialam! Kayang kaya ito ng Mommy ko!" naiinis na wika ko sa kanila.

Nagpumilit pa akong umalis pero hinaharangan nila ako't pinipigilan.

"Zizy puta kumalma ka muna!" sigaw ni Cat sa akin.

Nang mawalan na ng lakas ay unti unti ng nagsibagsakan ang mga luha ko sa harapan nila. Isa isa nila akong dinaluhan at pinakalma. Mabilis na dumaloy sa mga mata nila ang pag-aalala. Napaupo na lang ako sa upuan at tinakpan ang mukha ko habang patuloy pa din ang pagbagsak ng luha ko.

"Zizy.." kalmadong tawag sa akin ni V.

"Just let me be.." pumiyok ako. "Hayaan niyo lang ako, parang awa niyo na. Hindi ko alam ang gagawin ko."

Hindi sila nagsalita. Nakatingin lang sila sa akin at mukhang nagdadalawang isip sila kung hahayaan ba talaga nila ako o hindi.

"Please.." pagmamakaawa ko pa.

"Okay then, pero hindi ka namin iiwan." sabi ni Red.

"Sasama kami sa'yo, Zizy." wika naman ni JP.

"Kung anong gusto mong gawin, nandito lang kami." Cat added.

Naiiyak na tumango ako sa kanila at nagpasalamat. Okay lang matawag na maharot o malandi, dahil mas mahalaga pa din ang mga kaibigan ko kesa sa mga sabi-sabi. Hindi nila ako iniwan. Hindi nila ako niloko. Kasama ko sila sa kahit na ano. Mahal ko sila at malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

"KAILANGAN ka sa school bukas." sabi ko sa ina ko pagdating ko ng bahay.

Wala pa si Kuya dahil laging 7:00 pm ang uwi niya.

"Bakit? At bakit hapon ka na namang umuwi?" she said.

Nilagpasan ko siya nang lumapit siya sa akin. Sa kusina ako dumiretso para uminom ng tubig. Tiningnan ko ulit si Mommy na nakatingin pa din sa akin hanggang ngayon.

"Sa National ang school ko. Grade 8 na ako. Pero h'wag ka sa room namin magpunta sa guidance." sabi ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa huli kong sinabi.

Continue To DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon