Chapter 2

1K 30 12
                                    

ZIZY

"Sinabi ko na naman sa inyo na tama-tama na ang pagka-cutting! Kayo ga'y hindi nagsasawa sa guidance?" maagang sermon sa amin ni Jun ngayong umaga.

"Last na talaga 'yon, pre! Binisita lang naman namin ang libanerong si Red eh!" wika ni V.

"Dinamay niyo pa ako!" giit naman ni Red.

Pinapanood ko lang silang magbatuhan ng sermon at dahilan. Maigi nang tumahimik ako kasi baka sakin mabunton galit ni Jun.

"Pasalamat kayo napakiusapan ko si Colden na huwag kayong isumbong." Jun said.

Doon nakuha ang atensyon ko. Colden? Iyong poging lalaki na taga-Pansol na nakakita sa amin?

"Iyon ba 'yong nakakita sa amin?" tanong ko agad kay Jun.

Napatingin silang lahat sa akin habang ako naman ay naghihintay sa isasagot ni Jun.

"Oo, bakit?" tanong ni Jun.

"Colden pangalan niya? Bakit mo alam?" tanong ko ulit.

"Naging kaklase ko siya noong elementary, kalaban ko din 'yon sa academics at performance. Matalino at matino." he said.

Ay, turn off na agad sa akin 'yon, sayang.

Napatigil ang usapan namin ng dumating na ang adviser namin na si Ma'am Ignacio.

"Good Morning." bati niya.

Agad naman namin iyong tinugon.

"First of all, let's congratulate Jun for being the 2nd place in news writing contest that happened yesterday." sabi niya.

"Wooh! Kaibigan ko 'yon!" sigaw ni Cat.

"Pahingi ng talino, pare!" sumunod naman si V.

"Sana all, second!" si JP.

"Di na ako aabesent pag nanlibre ka!" si Red.

Natawa ang iba kong kaklase dahil sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko. Pagkatapos naman noon ay nag-umpisa ng magturo si Ma'am.

Mabilis na lumipas ang oras, heto kami ngayon iniintay si Red sa labas ng room dahil cleaners siya.

"Hindi pa kasi tumakas eh." bulong ni Cat.

"Lagot na naman kasi kay Jun." rinig ko namang bulong ni V.

Nasa kanang tabi ko sila, at nasa kaliwang tabi ko naman si Jun at JP. Pinapanood lang namin si Red na ngayon ay nakikipagtalo sa isang kaklase namin dahil ayaw niyang magtapon ng basura. Sa huli si Red ang napagtapon ng basura na ikinatawa naman ng mga mokong.

Kasalukuyan na kaming naglalakad pauwi, lakad lang mula National hanggang bayan ang peg.

"Zizzy, kanina ka pang tahimik." wika ni JP.

"Hindi ah! Guni-guni niyo lang 'yon." tanggi ko naman agad.

"Gutom ka na 'no?" sabi naman ni V.

"May dalaw ka na ba?" tanong naman ni Red.

"Tapos na regla ko, Red. H'wag kang ano dyan." tanggi ko agad.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nila. Nagkaayayaan silang tumambay muna sa computer shop, pero dahil hindi kami puwedeng gumala ng naka-uniform pa ay dumaan muna kami sa bahay nila Red para magbihis.

Naglakad lang din kami papuntang computer shop.

"Maglalaro ka din?" tanong ko kay Jun dahil sumama siya ngayon.

Usually kasi uuwi siya ng maaga para gumawa ng mga assignments.

"Magreresearch muna din ako." sagot niya.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now