Chapter 14

574 29 30
                                    

ZIZY

"Kuya naman oh, ang init init, buksan niyo na ho iyong gate." reklamo ng ibang estudyante ngayon kay Kuya Guard.

Madami nang mga estudyante ngayon ang nandito sa may gate pero si Kuya Guard ayaw pa kaming pagbuksan. May ilang minuto pa daw kasi bago mag-time.

"Ang init.." rinig kong reklamo ni JP sa harapan ko.

Nasa may puno kami ngayong anim, nakapalibot silang lahat sa akin at hinaharangan ako sa araw, kaya sila iyong mga tinatamaan ng sikat nito.

"Ayaw pang buksan, palalabasin din naman tayo eh! Patagal pa." wika ni Red.

"Protocol 'yon, Red. Ginagawa lang ni Kuya Guard ang trabaho niya, kumalma nga kayo." saad naman ni Jun.

Tahimik lang ako dahil wala pa din akong energy dahil sa nakakadrain na exam. Nagawi ang tingin ko sa ibang estudyante na nasa labas ng gate, mga higher level na sila sa amin at sila ang pangtanghali.

Nang sa wakas ay mag-time na, agad na binuksan ni Kuya Guard ang gate. Siksikan kaya mabagal ang usad bago kami makalabas, nagkakasalubong din kasi iyong mga papasok at lalabas.

Tumawid kami sa kabilang kalsada dahil medyo maluwag ang daan doon.

"Zizy, payong."

"JP, kita nang shoulder bag lang dala ko, kasya ga payong dine?" sabi ko kay JP.

Dahil nga may exam ay mini bag lang ang dala ko, ballpen lang laman nito at cellphone ko. Hindi kagaya ni Jun na naka-backpack pa, dala lahat ng notebook niya at pointers to review. Samantalang iyong iba, naka-uniform lang, ni-walang ballpen kaya bumili pa sila sa coop kanina, pati nga pala folder! Buti na lang may nalimot ako sa room kanina kaya hindi na ako bumili.

"Tatambay pa ga tayo sa inyo, Red?" tanong ni Cat.

"Kayong bahala, kung hindi kayo pagod." Red said.

"Bukas na lang tayo magtambayan. Magpahinga na lang muna tayo." suhestiyon naman ni Jun, at lahat kami ay tumango sa kaniya.

Nang nasa tapat na kami ng April 14-school supplies store sa Padre Garcia, ay napagpasyahan naming magkwek-kwek. Nandoon si Manong, siya iyong nagtitinda lagi doon ng kwek-kwek at veggies, kaya tuwing labasan na ay madaming taga-National ang nagkukumpulan dine, masarap din kasi ang luto ni Manong.

"Manong, bente pesos na veggies." wika ko.

Tumusok na ako ng veggies at nilagyan ng kaunting suka at sauce. Ganoon din ang ginawa ng mga mokong. Naiba lang sa amin si V dahil kwek-kwek ang binili niya.

"Lika na, Zizy! Hatid ka na namin." hila sa akin ni V.

"Dahan dahan naman! May kinakain ako ha!" reklamo ko dahil ang bilis niyang humila.

"Uwing uwi na talaga ako." sagot lang niya.

Inintay muna nilang umalis ang jeep na sinasakyan ko bago tuluyang nagsi-uwian na din. Ilang minuto lang naman ay nakababa na ako. Walang buhay akong naglalakad papasok dahil din sa pagod.

"Hi, Zina Zyler! Aga ng uwi mo ah!"

Nagulat ako nang makita si Cole sa tapat ng gate namin. Teka, wala gang pasok ang isang ito? At ano namang ginagawa niya dito?

Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt at white taslan short, suot pa din niya ang kaniyang silver chain necklace. And as usual, he's wearing his playful smile while looking at me.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Dinadalaw si Weddie." simpleng sabi niya.

"Si Weddie? Gago ka ga, alam mo namang nasa school pa niya iyon."

Continue To DreamWhere stories live. Discover now