Chapter Twenty Five :)

526 15 3
                                    

So, in case you're wondering kung anong nangyari, ni re write ko po ang TCG. The explanation is on the first uploaded chapter. Thanks!

Copyright Diana Aranda, 2016

My boyfriend's brother

Pinark ni Ice ang sasakyan nya sa available na parking space. Tumingin muna sya sakin bago nya tinanggal ang seat belt nya. Nagtanggal na din ako ng akin at inayos ang laman ng bag ko. Napabuntong hininga ako. Is it another boring day? Sana naman may interesting na mangyari ngayong araw. Nakakapagod na masyadong gloomy ang buong week namin. Thursday na. Sana, kahit papaano may magbago na.

Bumaba si Ice ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Pinapagalitan nya ako kapag nalabas ako ng kusa. Dapat nga magpasalamat sya at nagkukusa ako. Na hindi ako tamad at hindi ako maarte. Pero wala eh, si Ice ang kalaban ko. Imbes na mag-away kami susunduin ko na lang sya since mukha namang sweet ang pinag gagagawa nya sa akin.

Bumaba akong nakasimangot at tamad na tiningnan sya. "Para kang timang." sabi nya na ikinataas ng kilay ko. "Para kang tanga." sagot ko sa kanya.

"Smile po!" sabay kaming napatingin sa nagsalita. Isang flash ng camera ang sumalubong sa amin. Isang babae na may nakasabit na slr sa leeg nya ang nakita ko. Ngumuso sya pagkatingin sa litratong nakuha nya. "Bagay po talaga kayo. Gagawan ko po sana kayo ng article sa student publication ng high school department kaya po kailangan ko ng original na kopya ng picture nyo." pagdaldal nya. Natatawa ako kasi para syang nakikipag usap lang sa isang kaibigan. Dere deretso sya at walang patid ang salita. Hindi nya fini-filter ang sasabihin nya. She'll say what she wants to say. Tipong walang pakialam kung may masasaktan ba or mabibigla sa sasabihin nya. I like those kind of people. No pretends. Its better to be confronted with a harsh truth than to be greeted with a sweet lie.

Napatingin ako kay Ice. Tahimik kasi sya at nakatingin lang dun sa babae. "Ah, pede pong isang pose naman. Para naman po di stolen yun ilagay ko sa dyaryo." inayos nya ang camera nya at tinapat iyon sa mata nya. "Huy! Pose daw." siniko ko si Ice na mukhang nawala sa ulirat. Tiningnan nya ako at pinulupot agad ang kamay sa baywang ko.

"Great! Ang ganda!" tuwang tuwang sabi nung babae. Agad nyang tiningnan ang kuha nyang litrato. Malawak pa nga ang ngiti sa labi nya. "Thank you po! Big fan nyo ko. Nabasa ko po yung article kahapon tungkol dun sa gulo sa library. Nakakatawa nga po eh pero astig nyo. Grabe!" pagdadaldal nya.

Nanatili ang tingin ko kay Ice na titig na titig dun sa babae. Buti na lang di na-awkward yung high school student na yun sa tingin ni Ice. "Ah, sige po. Salamat po!" paalam nya samin.

"Huy! Okay ka lang?" huminga na malalim si Ice at napakamot sa ulo. "Grabe, magkamukhang magkamukha sila." sabi nya sakin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ice. Sinong kamukha nino?

"Kamukha nino?" tanong ko sa kanya. Sinundan ni Ice ng tingin yung high school student.

"Anong kamukha?" sulpot ni Trisha.

"Jesus Trisha! What the hell were you thinking?" inis na singhal ko sa kanya. I could have a heart attack dahil sa biglaan nyang pagsulpot.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon