Chapter Ten :)

1.1K 23 3
                                    

Copyright © Diana Aranda

I don't share what's mine

Ice and I have been usually together the past few days. Whether it may be inside or outside the school premises. Basically, it is because we usually practice our talent at their music room and because of our responsibilities as first year representatives of the College of Business.

Madalas man kaming magkasama, bibihira lang kaming mag usap. Like, we act civilly together. Kapag magkasama kami, madalas eh naglalaro lang kami parehas ng Just Got 10 sa phone namin at nagpapaunahang makakuha ng 11 since parehas na naming nakuha ang 10. Maraming beses na nga kung tutuusin.

But this day was different. Mag isa lang ako ngayon. I wonder where Ice is. Absent din si Adam kaya wala akong mapagtanungan. Tatanungin ko sana si Trisha kanina pero mukhang nagmamadali naman sya papunta sa kung saan. Kasunod pa nya si Ivan na mukhang hingal na hingal na din kakasunod kay Trisha. Where is everyone?

I tried to call them pero malas talaga ako kasi dead bat na ang phone ko. Wala akong mahiraman ng charger kasi nasa klase pa ang iba kong kakilala. Where to borrow one?

"There you are! Nakita din kita!" nakangiting bati sakin ni Catherine. She still looks refreshing katulad pa din ng kung paano sya araw araw pag nakikita ko sya.

"Hey." tamad kong sagot sa kanya. Napansin ko ang biglaang pagtangkad nya kaya agad akong napatingin sa kanyang mga paa. Nakasuot pala sya ng killer heels kaya naman feeling ko eh ang liit ko today.

"Kanina pa kitang tinatawagan pero out of coverage." umihip ang hangin dahilan para mapapunta ang ilang hibla ng buhok nya sa mukha nya. Good thing naka bun ang buhok ko. Nasanay na din akong dapat palaging itali ang buhok dahil palaging mahangin sa labas. Naiirita lang ako kapag sumasabog ang buhok ko sa hangin.

"Sorry. My phone run out of juice. Nakalimutan ko battery ko. Meron ka ba?" nakangiwi kong ipinakita ang phone ko na talagang wala nang buhay. Natawa naman sya sa sitwasyon ko kaya nangako syang pahihiramin ako ng charger nya sa isang kondisyon.

"Okay. So, ipapractice natin ngayon ang lakad mo. Dapat, natural lang. Wag kang mapressure. Know that you are beautiful." paliwanag nya sakin. Nakatayo sya ngayon sa may stage habang nakalagay ang dalawang kamay sa waist nya at pang Miss Universe ang dating. Saglit kong sinilip ang phone ko na nakacharge sa may gilid.

"So, ikaw naman." pumunta sya sa gilid at bumaba. Alanganin naman akong tumayo sa suot kong mataas na sapatos. She insisted that I should start familiarizing myself with this kind of shoes. Dapat daw ay magsuot na din ako nito sa mga susunod na araw para masanay na ang paa ko at di ako mahirapan sa mismong araw ng pageant.

Kinapa ko muna ang sarili ko sa sapatos na dala ni Catherine. Ilang buwan na rin ng huli akong magsuot ng ganito kataas na sapatos. Medyo di na rin ako sanay dahil masyado akong nawili sa pagsusuot ng sneakers nitong mga nakaraang buwan. Tama nga si Catherine. I really need to bring back my love for high heels.

Dahan dahan akong naglakad paakyat ng stage habang nahawak sa kung ano man ang maaari kong kapitan. Baka mamaya, mahulog pa ako or something. Nang marating ko ang stage ay agad syang nagpatugtog ng isang nakaka enganyong sayaw. Para daw mas ganahan akong maglakad.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon