Chapter Nine :)

1.1K 23 2
                                    

Copyright © Diana Aranda


Can We Not Debate About That?

"Sinong kinakabahan?" pang aasar sakin ni Ice habang ako naman tong nakatingin sa isang pares na nasa stage at nagpeperform.

Ngayon ang nakaschedule na audition namin. There are 20+ courses na inooffer sa SLU. Hindi nila kayang iaccomodate lahat sa pageant kaya 8 pairs lang ang makakapasok. I hope, isa kami dun. I wanna bring home the bacon baby!

"Hindi ako kinakabahan. Nagfo-focus lang ako kasi baka makalimutan ko ang lyrics." sagot ko sa kanya. Nag bow ang dalawang tao na nasa stage at bahagya namang nagpalakpakan ang ilang kasama namin na auditionee din. Exclusive lang ito sa mga auditionee, officers ng student government, professors at yung mga judges.

"Dont focus too much. Minsan kasi, sa sobrang pagfofocus natin, nawawala na ang focus natin." sagot naman nya. Tiningnan ko sya. Hawak nya ng gitara nyang mukhang mamahalin.

Napatingin ulit ako sa unahan. Nandun ang announcer sa kung sino na ang susunod na magpeperform. In-announce nila ang Industrial Engineering. Nasa kalagitnaan na ng performance ang nasa unahan ng may isang lalaki ang lumapit sa pwesto namin ni Ice at kinausap kami.

"Excuse me, kayo yung sa BA diba? Sa backstage na po tayo. Next na po kayo." nagtinginan lang kami ni Ice at sabay na tumayo. Pinauna na nya ako hanggang makarating kami sa likod ng stage. Huminga ako ng malalim.

"Dont worry. I got you crush." kinindatan nya ako sabay sakbit sa balikat nya nung gitara nya. Napatawa ako ng bahagya.

"Masyado kang maiinspire sa performance natin. Katabi mo kasi ako." tinaasan nya ako ng kilay sabay pick sa gitara ny.

"Asa pa Cream. Asa pa." natahimik kami at nakinig sa background.

"And from the College of Business Administration, Mr. Ice Sebastian Villarasa and Ms. Cream Jersey Sandoval." nakanunot na noong tiningnan ako ni Ice.

"Jersey ang second name mo?" sinenyasan kami nung isang babae na lumabas na.

"Yeah. But I dont use it that much. Nasanay na ko sa Cream." hinawakan ko yung microphone at tiningnan sya. "Ready?" I asked him. Ngumisi lang sya at nagsimulang tumugtog.

Tiningnan ko ang mga nanunuod samin. Ngumiti ako at nagsimulang kumanta.

♪You know I'd fall apart without you

I don't know how you do what you do

'Cause everything that don't make sense about me

Makes sense when I'm with you

Like everything that's green, girl, I need you

But it's more than one and one makes two

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon