Chapter Thirteen :)

1.1K 26 3
                                    

Copyright © Diana Aranda

You dont need ten seconds

"I can't believe we are really doing this." reklamo sakin ni Ice. Eto kami ngayon sa loob ng katapat na coffee shop ng ice cream shop nya. Napag alaman kong si Kendy pala ang may ari nito. Good girl sya. Marunong mag invest sa batang edad.

Para kaming mga timang na nakasuot ng ball cap at pilit na nagtatago kay Adam. Baka mamaya, pag nakita kami neto eh mahiya sya bigla sa pinag gagagawa nya.

"I've never take Adam as the serious guy. He's like dad. He used to be the heart breaker before falling for my Mom." napatingin naman ako kay Ice.

"Grabe. Kumain lang tayo ng Ice Cream, nag english ka na. Tigilan mo nga ako!" muli kong binalik ang tingin ko kay Adam na nagseserve na ngayon sa may counter. Bahagya din ang pagdami ng tao sa loob. Syempre, mapabalita ba naman na ganyan kagwapo ang nagseserve ng kape eh pipila din ako.

"Sorry. Lately lang talaga ako nag praktis na magsalita ng straight tagalog. Im more comfortable with english." kibit nya sabay baba ng cap. Bigla kasing napatingin si Adam sa direksyon namin. Nagpanggap kaming dalawa na nakatingin sa phone ni Ice at may kunwaring pinagtatawanan. Siguro, nagtataka na si Adam dahil kanina pa kami nakaupo dito eh hindi pa din kami naorder ng kape. Kasi naman si Ice, nag iinarte. Ako nga, di nainom ng kape eh pumayag na pumasok sa coffee shop tapos sya na nainom, nag inarte? Matinde talaga ang isang to.

"Yeah right." sarkastiko kong sabi. Sumilip akong muli kay Adam na ngayon ay ngiting ngiti sa customer na kaharap nya. Mula sa back door ay lumabas si Kendy na naka apron na kulay pink at nakataas na ang buhok. So adorbs!

"Bakit di kayo magkamukha ni Adam? Sure, both are equally handsome pero wala talaga eh." Matagal ko na rin yang napansin pero hindi na lang ako nagtatanong. Pinanghawakan ko ang fact na parehas naman silang gwapo kaya magkapatid sila.

"Di ko kapatid si Adam. No, mali pala. Kapatid ko sya. Di lang kadugo." Aniya.

"What? Di mo kapatid si Adam?" halos mapatayo na ako sa nalaman ko but I restrained myself kasi alam kong gagawa lang ako ng eksena at mapapansin lang kami ni Adam.

"Hindi mo alam?" Balik na tanong nya sakin.

"Magrereact ba ko ng ganito kung alam ko? Utak nga Ice!" inis kong sabi. Inayos ko ang upo ko at pinatong ang bag sa lamesa to cover up my face.

"Well, my dad thought anak nya si Adam kay Tita Ash but then, nalaman nya thru blood test na hindi pala. But still, inako nya si Adam. He refuse to believe na hindi kanya si Adam. Para kay Dad, anak nya si Adam maybe not by blood but by heart and soul."

"Sino si Tita Ash?" This is getting more exciting. Sino nga naman ang mag aakala na di totoong Villarasa si Adam to think na mukhang Villarasa talaga sya.

"Dad's first wife." matipid nyang sagot sakin.

"Nagkaroon ng unang asawa si Tito Kevs?" I asked. Sorry naman sa tawag na Tito Kevs, he insisted na ganyan ang itawag ko sa kanya para daw astig. Cool right?

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon