Chapter Thirty Four :)

238 4 1
                                    


Copyright © Diana Aranda

Chapter 34 — Where are you?

"Cream!" Kumakatok si Daddy sa room ko. Pinagbuksan ko sya at nakita kong kasama nya si Adam. Anong ginagawa nya dito?

"Hindi ka pa bihis?" tanong ni Adam. Bihis para saan? Nagtinginan sila ni Daddy.

"May ribbon cutting ceremony ka ngayon ah?" Shit. I completely forgot about that. It's Saturday nga pala! At pinakiusapan ko si Adam noon na magpadala ng message at sabihin na aattend ako sa mahalagang event na iyon.

"Ugh. Nakalimutan ko. Bat ka nandito?" tanong ko kay Adam.

"Susunduin ka." Mabilis nyang sagot. Tinanong ko nga pala kagabi si Ice if pwede nya akong i-accompany sa event na iyon since sya pala ang nag donate using my name. Yung pera ay galing sa pinag bentahan ng kotse nya na itinaya nya noon sa loob ng kulungan para matulungan ko sya. Hindi ko naman alam na seseryosohin yun ni Ice. Hindi ko alam kung masyado lang ba syang matulungin o may sapak talaga sya.

"Okay. Um, nakaligo na ko so, magbibihis lang ako."

"Okay. I'll wait downstairs." he said. Nag-usap sila ni Daddy about something. Agad naman akong humanap ng masusuot. Since it's a ribbon cutting, ayaw ko naman ng masyadong agaw atensyon na damit. I chose my white dress. This should do. Besides, I do not want to appear overdressed. Pagkatapos kong magbihis at makapili ng sapatos ay tiningnan ko ang sarili ko. Wonderful! Now, make ups.

Dahil nagmamadali ako, tinext ko na si Adam na akyatin ako sa kwarto at tulungan akong i plantsa ang buhok ko. Agad naman syang magpunta.

"You kmow how to use this?" I asked sabay abot sa kanya ng flatenning iron.

"Oo naman. Meron si Rain nito." sinaksak nya iyon at hinintay na uminit. Ako naman ay patuloy sa paglalagay ng make up.

"Bakit daw busy si Ice?" I asked out of nowhere.

"Um, di ko alam. Di ko natanong." sagot nya.

"Are you two still on fight?" natigil ako sa paglalagay ng make up at napatingin sa salamin. Adam was looking at me too.

"Nah. It's just a small fight. We'll get over it eventually. So, wag mo na isipin okay?"

"Ano ba kasing pinag awayan nyo?" taas kilay kong tanong.

"Nothing serious. Basta. Bilisan na natin! Nakakahiya pag nalate tayo." he said. True enough, late nga kaming nakarating sa event. Buti na lang at may hinihintay pa ding ibang tao bukod samin. Nakakahiya.

"Thank you for coming iha." Salubong sakin ni Sister Maria. I smiled and talked to her aboit the building na iriribbon cut namin ngayon. Binati rin nya si Adam. Nginitian sya ni Adam bago nya ako iwanan kay sister.

Nakita ko sila Trisha at Ivan so I waved at them. Ganun din ang ginawa nila. Pinakilala din sakin ni Sister ang mga bata sa ampunan. Sobrang nakakatuwa sila. I got sad for them. Wala na silang mga magulang. At the same time, I felt lucky. Kahit hiwalay ang magulang ko, I know I have them.

"Okay. Let's start?" ngiting sabi sakin ni Sister. Tumungo ako at sumunod sa kanya.

The event went well! Kinabahan pa ako kanina sa maaring magyari. What if mapurol yung gunting, what if maputol ko agad yung ribbon, what if this happens, what if that happens. Luckily, none of my imaginations happened. Naitawid ko ng maayos ang ribbon cutting ng walang tanga moment.

"Ugh. It's done." sumakay ako sa kotse ni Adam at pinahinga ang sarili ko. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad. Nakipaglaro pa kasi ako sa mga bata after the event. Ewan ko, I feel like doing it kanina eh. Yun na lang kasi ang kaya kong ibigay sa kanila. I also promise the kids na babalik ako once na makahanap ako ng magandang oras so that I could spend the whole day with them.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon