Chapter Twenty :)

1K 24 0
                                    

Copyright © Diana Aranda


She Has A Boyfriend, Dude

"Cheers!" tinaas ni Catherine ang baso na may lamang alak sa ere. Bakas sa mukha nya ang saya. I've never seen her this happy!

Napatingin ako sa kaliwa nya at nakita ko ang boyfriend nya. I remember this guy! Sya yung lalaki na nakadate ni Catherine sa auction. Hays. Sabi ko na nga ba, something is weird between those two.

The team won despite the fact na nasa court kami ng kalaban. And so, nagkayayaan ng celebration sa isang bar named The Port which kinda sounds weird to me.

"Oh My Gosh! Double celeb ito!" hiyaw ni Trisha. Naghiyawan din silang lahat na kasama namin. Kami na ata ang pinaka maingay na group sa loob ng bar. I looked at Trisha which looks like, tinamaan na naman ng alak. Ang hina talaga ng tolerance ng babaeng ito sa alak. We've barely had five shots!

"To the newest couple, Team Ice Cream!" lahat sila nagsitaasan ng baso nilang may lamang alak. Tumingin ako sa katabi ko na nakatitig sakin. Hindi din nya itinataas ang baso nya. Nakangisi lang sya habang naiiling.

"So ano? Magtititigan na lang kayo jan? Come on! Toast with us!" daldal pa ni Trisha. We were left with no choice but to raise our glass and do the toast.

Dahil nanalo sila Ice, naging kami na. Yes, I agreed with his proposal. Kinuha ko na din na opportunity iyon para patunayan na maybe, it's time to give myself a shot on believing in love.

After ng laban nila ay hindi kami masyado nakapag usap ni Ice. He just hugged me and tell me how happy he was. Habang papunta pa nga dito eh hindi na nya binitawan pa ang kamay ko. I find it very sweet though.

Nagtagal kami sa bar na iyon. Trisha was already sleeping na ng umalis kami. Ang bilis talaga mag passed out ng babaeng iyon. Catherine is good. She's a drunkard. Natalo pa nya si Adam sa inuman. Well for me, my boyfriend wouldnt allow me to drink much. Haha! Perks of having a boyfriend. Although hindi ko alam kung dapat ko bang ikasaya iyon or what.

Passed 3AM na ng ihatid ako ng Ice. Masyado kasing nag enjoy ang mga bugok sa inuman. Habang tumatagal din ay pabawas na kami ng pabawas.

Bumaba ako sa sasakyan at sakto namang bumuhos ang ulan. What the hell! Bakit naman ngayon pa? Ugh. Not a good timing.

Agad kong naramdaman ang pagpandong sakin ni Ice ng kulay itom nyang leather jacket. Natawa naman ako sa itsura naming dalawa. Mukha kaming mga basang sisiw.

"Wag na. Basa na rin naman tayo." hinila ko ang jacket nya pababa at dinamdam ang buhos ng ulan.

"Get inside! Magkakasakit ka!" sigaw nya sakin. Tinawanan ko pang sya at iniwanan ang bag ko sa loob ng kotse nya sabay takbo sa kung saan. I love the rain!

"Cream!" he yelled at me. Natatawa naman ako sa itsura nya. Para syang tinakasan ng anak nyang babae kung makabol sya.

"Come on Ice! Let's enjoy the rain!" nagpakiot ikot pa ako habang tinatanggap ang bawat patak ng ulan sa balat ko.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon