Chapter Thirty Six :)

237 9 2
                                    

Chapter 36- Unkiss Me

A/N: Hindi 'to masakit. Pero...pero...pero...Hahahaha! Favorite 'ko 'to kahit may ibang dead parts. Haha. Title inspired by Maroon 5's song (Dalawa yung in-update ko ah? 35 tsaka 'to)

"Cream." dinig kong tawag ni Ice sa'kin. Humigpit ang hawak ko sa damit ni Adam at mas sinubsob pa sa dibdib nya ang mukha ko. Ayaw kong makita si Ice. Ayaw kong tumingin. Baka kasi isang sorry lang nya, isang tingin lang sa mga mata nya, makalimutan ko na agad lahat ng masasakit na bintang nya sakin at ang panloloko nya.

"Ice, please. Hindi mo ba nakikitang hindi ka nya gustong kausapin." matigas na sabi ni Adam. "Please, Ice. Makinig ka naman oh. Kahit ngayon lang. Pambawi man lang sa lahat ng kagaguhan mo." hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa. Gusto ko sana tumingila na at tingnan si Ice. Tanga ka talaga Cream. Nagawa mo ng maging matigas, hindi mo pa mapagpatuloy ngayon. Bakit ang lambot ng puso ko kay Ice?

"Sorry, baby ko." he said. Mas naiyak ako doon. Baby. Sorry. Shit! Ano? Tutunghay na ba 'ko? Tang-ina. Nilalabanan ko na lang talaga. Gustong gusto ko ng kumalas kay Adam at tumakbo papunta kay Ice at yakapin sya. Tanungin kung bakit ganun. Bakit nya 'ko nagawang saktan? Bakit...ang sakit sakit? Kaya nya bang tanggalin 'to lahat? Tanggalin lahat ng sakit?

Wag kang— too late. Tang-ina. Tanga ka nga talaga, Cream.

Tumunghay ako at agad na hinawakan ni Adam ang mukha ko. Galit na galit ang mukha nya habang pinupunasan ang luha ko. Gusto kong makita si Ice. Gusto kong...

Lumingon ako sa likod. Nakita ko doon si Ice. Walang buhay ang mga mata nya, di gaya ng dati. Mariin syang napapikit. Ice, will you take all the pain away?

Kumalas ako sa hawak ni Adam. "Cream—" ayaw nya akong bitawan. Pero di ko sya marinig. Naririnig ko lang ngayon yung puso ko na sinasabing, puntahan ko si Ice. Kasi kahit na alam kong sya ang nag wasak sakin, sya lang rin naman ang may kakayahang bumuo sakin.

"Ice—" I called. Ni hindi ko alam kung narinig nya ba ako dahil sa paghikbi 'ko. Naging galit ang ekspresyon ng mukha nya at bigla nya akong hinigit papunta sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Umiyak ako. Umiyak ako lalo. Shit. Ice...Ice...Ice...ang sakit. Ang sakit sakit.

"I'm sorry for being an asshole. Shit! Cream, I swear I didnt cheat on you. Please believe in me. Please." Naramdaman ko na din sa yakap nya ang paghikbi nya. No! Don't cry, Ice! Don't cry.

Bibitaw sana ako sa yakap para punasan ang luha nya pero mas hinigpitan nya ang yakap nya sa akin. "No! Don't go. Please. Believe in me, baby. Hindi kita niloko. Mahal kita, Cream. Shit! I am in love with you. Hindi ko kayang gawin sayo yun. I love you, Cream. If I have to die just to prove it, gagawin ko." Garalgal ang boses nya at halatang halata na umiiyak. I heard Adam curse pero mas pinansin ko ang pag-iyak ni Ice. No, Ice. Don't cry! Mas naiiyak tuloy ako.

Oo, ganito ako katanga. Shit. Hindi ko talaga kaya eh. Hindi ko kaya. Yung isang araw pa lang. Hirap na hirap na akong pigilan ang sarili kong labasin sya sa bahay namin at umiyak sa kanya.

This is where I belong. This is my home.

"I really love you Cream. And I'm sorry for not believing in you, baby. I'm sorry. Naniniwala ako sayo. I'm an asshole. Shit! I can't believe nasaktan kita."

Bumitaw sya sa yakap at kinulong sa mga palad nya ang mukha ko. His eyes are red. Inangat ko ang mga kamay ko para punasan ang mga luha nya. Don't cry Ice. Ako na lang ang iiyak para sating dalawa.

Pinunasan nya rin ang mga luha ko. Hinalikan nya ang dalawang mata ko. "Damn it. Hindi ko na talaga mapapatawad pa ang sarili ko pag pinaiyak pa kita, ulit. I'm sorry baby. Iiwanan mo ba ko?" he asked. Agad naman akong umiling.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon