Chapter Thirty Eight :)

315 8 5
                                    

TCG 38- Rock Bottom

"Cream?" I heard Ice called. Hindi ko iyon pinansin.

Nanatili akong nakaupo sa sulok, pikit ang mga mata at inaalala ang nangyari kanina.

I closed my eyes as I tried to remember Adam. Adam and his kiss. Adam and his Christmas gift.

The kiss didnt last that long. It was just quick but enough to make me question if I never really had any feelings for this guy. Enough to make me question why is my heart beating so fast when he kisses me? And why am I drawn to him?

"Merry Christmas, Cream." he said after the kiss. Our foreheads still touching, my eyes closed, his hands on my face, his warn breath on my skin and my heart beating faster.

Kung bakit ako tulala at nagiisa sa sulok na ito ay hindi ko rin alam. Marahil alam ko din pero tinatago ko sa sarili ko. Dahil masama ang nararamdaman ko. At hindi tama ito.

Mali ang magustuhan ang halik ni Adam. Mali ang magustuhan si Adam. May Ice na ako. Pero bakit dahil sa kanya, I'm starting to question myself and my feelings for Ice, more?

That kiss actually, answered half of my questions.

The answer to half of my questions and the realization that hit me when he left me beside that Christmas Tree awed about what just happened.

I am in love with Adam Villarasa.

"Hey, you okay? Kanina pa kita hinahanap. Sabi mo you'll check your gifts then babalik ka na. What happened?" nag aalala nyang tanong. He sat beside me, grab my hand and hold it while looking me in the eyes, seeking answers.

"Sorry, may....iniisip lang ako." I gave him a small smile. His eyebrows curved tipong hindi sya naniniwala sa sagot ko. Do I look that transparent to him?

"Sure ka?" he asked at agad naman akong tumungo tungo sa kanya. Dinama ko ang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. His hands are warm. Tamang tama sa malamig na panahon. Ngayon ko lang ata 'to napansin. Yung pagiging mainit ng kamay nya at pagiging sakto nito sa kamay ko.

"Anyway, Merry Christmas!" napangiti naman ako dun. Christmas na pala. Bigla na lang nya akong niyakap. Naiiyak na ako. I dont know why I'm still here. I dont deserve him. Hindi ko alam kung kailan ko ba minahal si Adam. Hindi ko rin alam kung bakit di ko masabi sa sarili ko na bitawan ko na si Ice. Masama akong tao. Masama ang magmahal ng dalawang tao ng sabay. Masama ang magmahal ng magkapatid.

Hindi ko napansin ang pagluha ko. Masaya ako dahil pasko na at isa ito sa pinakapaborito kong seasons. Pero malungkot din ako kasi gusto kong mahawakan sa kamay ko si Adam pero hindi ko naman mabitawan si Ice.

"I love you Cream. Always." He whispered. Napapikit na lamang ako at tuluyan ng naluha. I love you too Ice but I have no right to say it back now because I am in love with your brother too.

Nang bumitaw sya sa yakap ay nakita nya ang pag iyak ko. Agad syang nag alala at pinunasan ang luha ko. Shit Ice. Bakit mo pinupunasan ang luha ng babaeng mahal mo pero nagmamahal din ng iba? Hindi kita deserve. Hindi ko kayo deserve. Bakit pa ba kayo nandito sa tabi ko?

"Hey, you okay?" He asked again.

"Yep. Nadala lang ng emosyon." I said sabay punas ng luha ko. It was more of a lie. Pinalaki ako ni Daddy na hindi talaga nagsisinungaling. So everytime I lie, pakiramdam ko talaga super sama kong tao. Madali pa akong ma guilty at gustong gusto ko na agad sabihin sa taong pinagsinungalingan ko, yung totoo. At ngayon, ramdam na ramdam ko kung gaano ako kasamang tao.

"Tara na?" Aya ko. Baka hinihintay na kami sa dining area. We're supposed to have our Noche Buena at baka late na kami. Magkakaroon din kami ng exchange gift kaya kailangan na namin pumunta doon.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon