Chapter Thirty Seven :)

331 10 5
                                    

TCG 37- Of Sleeps, Questions and Christmas Kisses

A/N: Let the confusion begin! (Evil Laugh)

****

Kung tulog ang pag-uusapan natin, over all okay naman ako. Okay naman ang tulog ko doon sa isang buwan na bibihira kaming magkita ni Ice (3 times lang ata kami nagkita if I can remember correctly). Okay meaning, nakaka 6-8 hours of sleep ako. Minsan lagpas pero mas madalas na kulang dahil sa mga aralin at shooting. Pero okay pa din over all.

Nandun ako sa umiiyak na nakatulog phase nung araw na nakita ko si Ice with Blue. Nakatulog lang talaga ako habang umiiyak. Hindi ko nga man lang napansin na napapikit na pala ako nung mga panahong iyon.

Nakarating na din ako sa umiiyak pa din pero magaan na ang pakiramdam phase nung magbati kami ni Ice. Sabi ko nga before, the most peaceful sleep after the Palawan trip.

Naranasan ko na din ang okay na tulog pero medyo may alinlangan phase dahil sa isang linggo na hindi pagpansin sakin ni Adam. Iniisip ko (bago matulog) kung ano nga ba ang rason ni Adam at bakit hindi sya pabor sa naging padalos dalos ko na desisyon.

But this time...ito ang tinatawag kong literal na walang tulog dahil hindi talaga makatulog dahil naaalala ko ang halik ni Adam phase. Seriously? Pag ganitong 3 AM na kami nagpack up at nagmula pa kami sa Batangas, dalawang oras pa bago ko marating ang amin. Mabuti na nga lang at ako ang nagdrive ng sarili kong kotse. Hindi naman ako inaantok. Nawala na dahil kay Adam. Ang tanging nararamdaman ko lang ay pagod. Nakalimutan ko na nga agad ang sinabi sakin ni Shaira tungkol sa chismis sa school dahil pa din kay Adam.

Minutes after 5AM na ata ako nakarating sa bahay. Gising na nga ang mga katulong pagdating ko. Pagod na pagod ang katawan ko at hindi ko na alam kung paano ko patutulugin ang sarili ko. Gusto ko na talaga matulog dahil sa pagod na nararamdaman ko. Ito na kasi talaga ang pinakapagod na araw ko ever. Pero tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, naaalala ko si Adam.

Si Adam. Puro si Adam. Nasan ang pangalan ni Ice ngayon?

Tell me, paano ka makakatulog kung sa bawat pagpikit ng mga mata mo, ito ang maalala mo.

Adam kissing your lips senseless, owning your lips, exploring your mouth, toying with your tongue and sealing it with two feather kisses.

How are you supposed to be alive after that?!

Himala ngang buhay pa ko ngayon.

Dahil hindi ako makatulog, I started asking questions. Eto ang mahirap eh. Pag nagsimula ka sa isang tanong, madadagagan pa yan ng madadagdagan. Hanggang sa dumami na ng dumami. Tapos, wala ka pang maisagot.

Ang unang tanong na pumasok sa utak ko, why is Adam such as dork? At nasundan na yun ng madami pa.

Why is he acting like that?

Bakit hindi sya pabor sa pagbabati namin ni Ice?

Why does he kiss like that? (I really can't forget the kiss ;( Is it bad?)

Thinking about it, mas nauna kong makilala si Adam kesa kay Ice, so..

Is there a possibility that it could been him and me? (A bad question)

If we met first, does that mean that he could possibly had feelings for me?

And if he had feelings, bakit di nya sinabi agad?

Di ba nya sinabi kasi gusto din ako ni Ice?

Teka, nagustuhan nya nga ba ako?

Bakit naman nya ako magugustuhan?

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon