Chapter Twenty Six :)

476 15 1
                                    

Copyright © Diana Aranda


If I were your boyfriend


"Adam ayokong mag cut sa klase!" hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahila nya. Tinaasan nya ako ng kilay.


"You? Of all people Cream? Really? Magpustahan pa tayo, ikaw ang may pinakamaraming absent sating barkada."


"Grabe ka naman. Hindi kaya!" Wait? Ako ba talaga ang may pinaka maraming absent? Well, that's mainly because I got sick!


"Oy nag iisip sya!" kinurot nya ako sa may tagiliran ko. "Bilis na! Minsanan lang naman ang pag absent mo." nag-isip ako sandali. Thinking about it, hindi ko rin naman mapapagana ang utak ko pag umattend ako ng klase. Wag na nga lang!


"San ba tayo?" agad syang napangisi at naglakad na papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan nya.


"I have to do the groceries. Ako assign ngayong week eh." Binigyan nya ako ng crash course tungkol sa mga assignments nila every week. I cant believe na pati si Rain ay gumagawa ng groceries! Nakakatuwa sila kasi hindi nila inaasa sa mga katulong nila lahat.


"Huy! Kanina ka pa wala sa wisyo. Anong nakain nyong dalawa ni Ice? Kahapon, kami ang gloomy. Ngayon naman kayo." napatingin ako kay Adam. Tumagilid pa nga ako para makaharap sya ng ayos.


"May naalala ako bigla. Kanina, sabi ni Ice may kamukha daw yung babaeng nagpicture samin kanina. Bigla ko lang naalala kasi nung tatanungin ko sya, bigla namang sumulpot from nowhere yang si Trisha. Sino kaya yun no?" he shot me a bored look and bring his attention back to the road.


"Alam mo, wag mo ng isipin yan. Wala namang kwenta. Ang problemahin mo, magka love team ngayon si Ice at Blue. Ikaw din." hinampas ko sya dahil sa inimik nya sakin. Nakalimutan ko na nga! Pinaalala pa! Nakakainis talaga!


"Nakalimutan ko na nga tapos iimik mo pa dyan! Galing mo din eh ano?" nag ayos ko ng upo at nakasimangot na tumingin na lang sa dinadaan ng sasakyan ni Adam.


"But seriously Cream, kahit na magmukha ka ng desperada sa pagsama mo kay Ice sa mga shooting nila, sumama ka na. It's not like Ice will cheat on you but, may pinagsamahan sila. Ice used to be so fond of Blue. Blue used to be his world before you. Hindi maiiwasan na may feelings na bumalik." seryoso ko syang tiningnan.


"Tinatakot mo ba ko?"


"No! What I'm saying is that...take care of what you have. Baka mamaya malingat ka lang, maagaw na ng iba. I will always route for you. Para saan pa at naging self proclaimed best friend mo ko diba?" kumindat pa sya sakin sabay tawa.


"Bakit parang ang cool mo lang sa situation? I mean, you're girlfriend is the one behind the story line of between seven and nine which happens to be unbelievably amazing, and she'll be working with Ice and Blue and then you'll be working with me which not to mention, requires kissing scenes. Hindi ba ang awkward nun? Naiisip ko pa lang, awkward na!"

umilimg iling lang sya sa pinagsasasabi ko.


"Professionalsm Cream. That's the key. Sabi ko nga, no personal feelings involved dapat. Trabaho lang, walang personalan."

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon