Chapter Seven :)

1K 29 5
                                    

Copyright © Diana Aranda

Ice Cream

"Oh!" hinagis na sakin ang isang keychain. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan nya papunta sa bahay nila kung saan kami magpapractice ng pang audition namin four days from now.

"What's this?" tinitigan ko ang keychain. Light blue ang kulay yung Ice cream tapos yung cone ay pink. This is actually cute!

"Keychain. In case hindi mo alam." in a matter if fact na sagot nya. Inirapan ko na lang ang pabalang na pagsagot nya sa akin. Tinitigan ko ang keychain.

"What am I gonna do with this?" tanong ko sa kanya. Tamad nya akong tiningnan at nagkibit balikat.

"I dont know. Throw it? Perhaps?" mataray nyang sagot. Hindi ko talaga maintindihan ang isang to. Minsan okay naman sya pakisamahan, minsan naman magwo-walk out ka na lang talaga sa kawalan nya ng sense sa buhay.

Binuksan ko ang bintana ng kotse nya. "Hey! Anong ginagawa mo?" tanong nya.

"Im throwing this!" iwinagayway ko ang cute na keychain.

"What? Why?" pinandilatan nya ako ng mata. I find it cute though. Singkit tapos pilit pinapalaki ang mata? Haha. Hilarious.

"Sabi mo, itapon ko!" sagot ko sa kanya. Napasabunot sya sa buhok nya.

"It was just a joke! Bakit mo seseryosohin?"

"Well, you sounded serious." sinaraduhan ko na ang bintana.

"Still, it was a joke." tumingin ako sa unahan. Bumusina si Ice bago sya pagbuksan nung guard ng exclusive subdivision. Sinilip ko ang pangalan nun.

"You actually live here?" tanong ko sa kanya. My jaw almost dropping. Ito ang pinaka exclusive subdivision sa buong Philippines! This is where the President resides! Where the other members of the 'super rich' community lives!

"Yep. Yaman ng erpats ko eh." sabi nya. Lumiko sya sa ilang streets bago namin narating ang bahay nila or should I say, ang mansion nila. Their house is too big!

Ng tumapat na sa gate nila ang sasakyan ni Ice ay automatic itong nagbukas. Sumalubong sakin ang napakaraming hilera ng sasakyan. Aanhin nila ang ganito kadaming kotse? This is too superb! Dont tell me may kotse din ang bawat katulong dito?

"Hey! Tara na sa loob." aya nya sakin. Still wowed. Hindi pa din ako nagpapahalatang hangang hanga ako sa bahay nila. Baka ma boost lang ang ego ni Ice. Mahirap na.

"Sir Ice!" bati sa kanya nung isang babae na nakaoutfit ng maid. Kulay navy blue ito na may touch of white.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon