Chapter Five :)

1.2K 26 7
                                    

Copyright © Diana Aranda

The Bad Wind Blew Me From Somewhere to You

"I'm so excited sa first day mo sa school!" pumapalakpak na sabi ni Mommy. Naka butterflies naman sya ngayon. May buterfly sa ulo nya, sa pilik mata nya at purong butterflies lang din ang damit nya. Naka black lace gloves na sya ngayon at killer black pumps.

"Mom, ako ang papasok. Bakit ikaw ang excited?" walang gana kong tanong. Sinakbit ko ang pink na bagpack na nabili ko nung isang araw.

"Eh, ngayon ko lang kasi naranasan na ihatid ka sa school." umupo sya sa kama ko.

"Ihahatid mo ko? I can drive naman. Kaya ko na mag isa." sagot ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. The new penshoppe collection is love!

"This outfit is nice Mom. I like it!" tumunghay sya at ngumuti sakin.

"I bought the entire Cara D. Collections!" nakangiting sabi ni Mommy. In-expect ko na yan. Knowing my Mom, bibilhin talaga nya yun.

"I'll be going. My class starts at 10." humalik ako sa pisngi at nagmadaling bumaba ng hagdan. Dinampot ko ang susi na nasa may bar at agad na lumabas.

Kahapon, may freshman orientation pero dahil nasa Ilocos pa ko, di na ko um-attend. Kaya techically, dapat di ko first day sa school ngayon.

Agad kong pinarada ang sasakyan sa isang libreng parking space. Inikot ko ang tingin ko. Apat na taon sa SLU? Not bad. Pede na din.

"Cream?" lumingon ako sa tumawag sakin.

"Adam!" nilapitan ko sya at niyakap. "Nice! Dito ka din napasok?" tanong ko. Natawa sya sakin. Bumitiw ako sa yakap.

"Yep. Di kita nakita kahapon. Nandito ka ba?"

"Wala eh. Masyado kong na enjoy ang bakasyon." Kibit balikat ko. Huli ko syang nakita ay nung nilibre ko pa sya sa Mang Inasal. Naging mas maputi sya ngayon at bagong gupit ang buhok. Mas lalong gumwapo. "Ikaw?" tanong ko. Naglakad na kami papunta sa room.

"We went to L.A. Bumisita kami kila Lola." hawak nya ang phone nya at mukang busy sa pagtetext. Di ko na sinagot ang sinasabi nya dahil mukha naman syang pre-occupied sa phone nya.

"Wait, ano nga palang course mo?" tanong nya. Nilagay nya sa bulsa ng pants nya ang phone. Sa wakas! Makakausap ko na din ng matino. Ngumiti ako sa kanya. "Business Ad." sagot ko. Umihip ang hangin. Ugh. Bakit ba naman kasi September din ang start ng klase sa Philippines? Malamig tuloy at panahon pa ng mga bagyo.

"Talaga? Nice! Magka course tayo!" nag high five na naman sya sakin.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon