Chapter Twenty Three :)

951 21 2
                                    

Copyright © Diana Aranda


Of Toasted Bread and Queensland Butter

Naranasan mo na ba yung moment na, mapapatang-ina ka na lang kasi nakalimutan mo yung isang bagay na mahalaga? Yung, kung di mo man nakalimutan eh hindi ka man lang aware or informed na may mahalaga palang okasyon ngayon? Nakaka pakshet ang ganung feeling.

At yun ang nararamdaman ko ngayon. Pakshet!

"Seryoso nga guys. Wag na tayong maglokohan, birthday ni Ice ngayon?" kunot noo kong tanong.

"Hindi. Nagjojoke lang kami." poker face at walang ganang sagot ni Trisha. Pero yung sagot nyang yun? Punong puno din ng sarcasm. I know Tricia. Damn it! Birthday nga ni Ice!

"Bakit hindi ko alam???" inis kong tanong sa kanila. Now, anong gagawin ko? Wala akong regalo. Wala akong surprise man lang! Kasi nga, wala naman akong kaidea idea na birthday pala ni yelo ngayon? Naguilty naman daw ako sa malamig na bati ko sa kanya kaninang umaga. Yes, I did kiss him. In front of my dad pa nga pero...ugh. baka isipin nun, nagpapanggap lang ako na di ko alam na birthday nya! Na may plano talaga akong kabaliwan or something! Nakakainis!

"So, may naisip ka ng bang regalo sa kanya?" Pinaglololoko ba ko ni Adam? Paano naman ako mag iisip eh tarantang taranta na nga ako ngayon! Anong gagawin ko???

Should I treat him to dinner? Ugh! Ano ka Cream? Lalaki? No way. Eh, bili ko na lang kaya ng regalo? Damit for instance? Wag na lang din. Baka mamaya, pulaan pa nun ang regalo ko. Marami na syang damit na doble or maaaring triple pa ang presyo sa mabibili ko sa may Rustans. Wag na lang. Relo kaya? Marami na yung relo. Nakita ko yung collection nya nung relo one time nung pumasok ako sa kwarto nya nung nagpapraktis pa lang kami para sa talent sa may pageant. Tama. Wag relo. Eh ano??? I need help!

"Girl, regalo na para kay Ice ang pagbati mo sa kanya ng Happy Birthday. Maniwala ka sakin!" Narinig ko naman ang sinabi nya but I choose not to respond to it. I'm thinking. Think Cream. Think! Use that big brain of yours! Sabi nga ni Tadashi sa Big Hero 6, 'You just got to look on another angle'

But, what angle am I supposed to look?

Napaub-ob ako sa lamesa. I cant think of anything. Kung meron man, ang lame! Kung may oras lang ako edi sana nakapag handa ako. O di kaya, pumunta na lang kami sa isang amusement park at maghapong tumambay doon at magpakahilo sa mga rides. But nah, I doubt matatakot ko si Ice sa ganun. I heard trip din nya ang mga deadly rides like yung Roller Coaster ng Ferrari World. Edi sya na ang nakasakay dun!

Tumunghay ako at tiningnan ang tatlo kong kasama. Okay. I may not have the perfect surprise gift for a boyfriend but..it's the best I got. So, lets take the risk.

"I have a plan." nagtinginan silang tatlo at ngumiti. "We're on it!" tuwang tuwang sabi ni Trisha.

To:Ice

Hey babe, I cant attend the meeting anymore, I had to leave. Dad and I are going to Davao. It's an emergency. I'll see you in two days, okay? Sorry. ;( Love you.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon