CHAPTER 8

6K 233 46
                                    

Alexies POV

Natapos ang isang linggo na hindi ko pinapansin si Ma'am, sino ba sya para pansinin diba? Di nya deserve. Pumasok ako sa classroom at bumati naman yung iba kong mga kaklase saakin habang yung iba naman ay mga busy sa mga kung ano-ano. Umupo naman ako at napansin kong wala pa si Ali dito, baka may meeting or nasa library sya. Isa kasi sya sa Student Gov. dito. Napansin ko rin naman si Kelly na naka tungo sa kanyang desk habang ang kanyang mga kamay ang nag sisilbing unan nya.

"Hoy" I shake her body, tulog yata 'to.

"Hoy tanga!" tawag ko sa kanya at agad ko naman naramdaman ang kamay nya na bumatok sa ulo ko.

"Ingay mo gago" sabi nya and I chuckles.

"Bili tayo" aya ko sa kanya, nagugutom na kasi ako, hindi pa naman ako pinag handa ng sandwich ni Mommy dahil may emergency na nangyari sa hospital.

"Ayoko" maikli nyang sagot, ano problema nito? Parang kahapon lang sa Group Chat naming mag kakaibigan ay masaya 'to.

"Problema mo?" tanong ko rito, napapansin ko kasi nung ilang araw medyo malungkot sya.

"Wala naman" banat nya pa at agad ko namang dahan dahang inangat yung ulo nya. I was shocked when I saw a small bruises on her face.

"Gago ka, anong nangyari sayo?" tanong ko at agad inayos ang buhok nya, ngumiti lang sya saakin.

"Nasaktan na nga ako tapos minura mo pa" banat nya habang ako naman ay nag aalala sa kanya.

"Sino umaway sayo?" tanong ko and she just shake her head.

"Nadulas lang ako sa banyo, ang OA" sabi nya then I rolled my eyes.

"Totoo?" tanong ko and she nodded.

"Wala akong dalang concealer para takpan yan pero may band aid ako" sabi ko at kinuha yung mga cute band aids na nasa wallet ko, lagi akong meron nito dahil lagi rin naman akong binibigyan ni Mommy, in case daw na makipag away ulit ako.

"Kapal naman ng mukha mong lagyan ng band aid yung maganda kong mukha?" tinaasan ko lang sya ng kilay at agad kumuha ng isang band aid at agad na nilagay sa mga pasa at sugat nya ito.

"Wag kang maarte, baka dagdagan ko pa yan" sabi ko tsaka lang sya tumawa.

"Sama ka ba bukas?" tanong ko at pinaningkitan nya lang ako ng mata.

"Saan?" tanong nya and I raised my eyerbrows, kasali sya sa gc naming mag kakaibigan tapos hindi nya alam yung plano na mag bar kami.

"Nasa GC" sabi ko naman and she chuckles.

"Naka mute sakin" sabi nya tsaka ko hinampas yung braso nya.

"Bobo" inirapan ko naman sya tsaka nya ako hinampas ulet.

"Tanga" bawi nya and she hit my head using her hand.

"Hoy, alam mo ba" babawi na sana ako sa kanya pero hindi natuloy dahil sa sinabi nya.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Ang tahimik nung Ali, hindi ba sya marunong makipag bonding? Sayo lang sya nakikipag usap" sabi nya and I shrugged my shoulder.

"Lagi kasi syang binubully dito kaya ayaw nya makihalubilo"

"Baka type ka nya" sabi nya tsaka ko naman sya binatukan.

"Issue mo" irap ko tsaka sya tumawa

"Straight kaya ako" sabi ko sa kanya tsaka nya ako inirapan.

"Sino?" tanong nya, bingi ba sya kakasabi ko lang eh.

OH! MY PROFESSORWhere stories live. Discover now