CHAPTER 9

6.2K 211 40
                                    

Alexies POV

Inaantay ko si Kelly dito sa may kanto, hindi ko alam kung bakit ayaw nya ako papuntahin sa bahay nila, hindi naman ako maarte tsaka pwede ko naman iwan yung sasakyan ko dito. Kakaparada ko palang dito sa may kanto ng baranggay nila ay may nag salamin agad, buti nalang tinted 'to para naman hindi sila mahiya pag napansin nilang may tao. Hindi naman sa pagiging judgemental pero natatawa talaga ako sa pinag gagawa nila, kung hindi may nag mamake-up merong nag lipstick, o kaya may nag pipicture, nag mirror shot si ate.

After pala nung makita kami nila Ma'am kahapon sa may cafeteria ag hindi na ako pinansin ni Ma'am Lavigne, habang si Mrs. Dizon at tila badmood kaya nag pa quiz din sya. Kung kahapon ako ang hindi namamansin kay Ma'am, kanina naman ay siya ang hindi namamansin tapos hindi nya rin ako inutusan magdala nung gamit nya. Nung binati ko sya hindi man lang ako nginitian, inirapan pa, akala mo naman ang famous nya, ganda yarn.

Habang naghihintay ako ay naisipan ko munang nag paalam kay Mommy.

To: Pretty

Hi mom~ uhm I'm with my friends, we're going to the bar. I won't go home late. I love you.

Hindi ko na tinanong kung papayagan nya ba ako, baka kasi hindi ako payagan eh. Pag nag papaalam dapat nandun ka na sa mismong pupuntahan mo para wala na silang magawa.

From: Pretty

Take care, wag iinom masyado, the key is in the small vase. I already told to your Daddy, I love you.

Pinatay ko naman agad yung phone ko ng marinig kong may kumakatok. I rolled down the window and I saw Kelly raising her eyebrows.

"Bilisan mo, tumakas lang ako" sabi nya and I chuckles. Sabing mag paalam nang maayos. I open the car tsaka sya umupo sa passenger seat.

"Taray, naka sun glasses kahit gabi. Moon glasses ba tawag dyan?" Pang aasar nya, minsan talaga nakaka bwisit at ang sarap ibalibag nito.

"Oo at pag sinapak kita star naman makikita mo" tsaka sya tumawa. Nag simula na akong mag drive papunta sa destination namin, yung tatlo ay for sure nauna na yun.

Nang makarating kami sa bar ay napapansin ko na medyo naiilang itong si Kelly. She's not a type of person na party goer.

"Tara" hila ko naman sa kanya at agad pumasok sa loob. Pagpasok mo pa lang ay sasalubong na sayo ang malakas na tugtugan, mga ilaw, at mga taong nag sasayaw, o kaya naman nag iinom.

Habang hawak hawak ko ang kamay ni Kelly ay hinanap ko din yung mga kaibigan ko. Baka kasi mawala pag binitawan ko shunga pa naman ito minsan.

"Same spot daw" hawak nya pala ang phone nya.

"Tara" hila ko papunta sa spot na kung saan medyo malayo sa maraming tao. Malapit rin dito yung mga billiard room na pwedeng pag laruan.

"Xies!" Sigaw naman ni Xia at kumaway ito.

"Ba't ang tagal nyo?" Tanong ni Marco at tinuro ko naman si Kelly.

"Masyadong mabagal" sabi ko tsaka nya ako hinampas sa braso.

"Ang arte no 9 p.m. palang" tumabi naman sya kay Zara.

"Your order Ma'am?" Tanong nung waiter, medyo kilala na rin kami dito dahil lagi kaming narito.

"Margarita" sabi ko and he nodded.

"May iced tea kuya?" Tanong ni Kelly and I pressed my lips together para pigilang tumawa.

"Bucket of beer na dun kuya" sabi ko, mukhang walang planong mag inom 'tong si Kelly.

Dumating na ang order namin at agad naman naming binuksan ang mga beer. Si Kelly ay iniinom ang Iced Tea nya, I just shake my and give her a bottle of beer.

OH! MY PROFESSORTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang