CHAPTER 14

6.2K 202 54
                                    

Alexies POV

Busy ako sa pagkain ng fries dito sa cafeteria habang nagbabasa ng libro sa subject ni Ms. Lavigne, masyado kasing strict yun tapos bigla biglang nag paparecite, para naman may masagot ako.

"Kelly, paano ito?" Tanong ko kay Kelly na busy sa pag sosolve ng assignment namin para bukas, masyado kasi syang advance mag-isip kaya ginagawa nya na agad, hindi naman din ako nag rereklamo dahil kokopya din naman ako.

"Find the value muna then substitute, may formula dyan and examples pwede mong sundan yun" she says and I nodded. This cafeteria is full by all Civil Engineering students. Habang busy naman ako sa pag intindi ng lesson dito ay may tumawag saakin.

"Alexies" lumingon naman ako at nakita kong papalapit si Ali sa pwesto ko.

"Hi" bati ko sa kanya then she smile.

"Hi, Kelly" she waves at Kelly and put back her attention on me.

"Are you busy?" She asked and I look at her, hindi nya ba na nag re-review and nag sasagot kami ng assignment dito-keme lang.

"Medyo, why?" Tanong ko and she sat on the vacant chair.

"Can you watch my training? Volleyball" she smiles and I look at Kelly.

"Tara, medyo nabobored din ako, vacant naman natin" she says and she closed her notebook.

"That's great" Ali smiles and I chuckle.

"Tara" she says and we put our things in our bag then followed Ali.

We sat on the bench, medyo madaming students din ang nandito dahil manonood sila, marami ring mga lalaking nagkukumpulan sa iisang bench.

Manyak.

"I'll put my things here, okay" Ali says and she removes her glasses.

"Can you hold this?" She ask and I nodded.

"Ganda nya pala" sabi ni Kelly na nakatingin kay Kelly na tumatakbo papunta sa mga kagrupo nya na nag w-warm up.

"Bakla ka ba?" Tanong ko and she glared at me.

"Hindi ah" ngisi nya at inasar ko naman sya gamit ang mga tingin ko.

"Bakla ka eh" sinundot ko ang tagiliran nya at agad namang napaigtad ito dahil may kiliti sya.

"Hindi baliw" hampas nya saakin at pareho kaming tumawa.

"Sexy nun oh" turo ko sa isang ka-grupo ni Ali.

"Saan?" Tanong ni Kelly at halatang hinahanap nya.

"Bakla ka eh" sinapok naman nya ako nang hindi masyadong kalakasan.

"Position!" Sigaw nung coach at agad naman silang pumunta sa kanilang side.

"Scissor" wala sa sariling sabi ni Kelly.

"Huh?" Hindi ko gets kung anong connect ng Scissor.

"Position daw" natatawang sabi nya habang nag l-loading pa rin sa utak ko kung ano ang connect ng Position sa Scissor- anak ng tupang ina.

"Bastos ka ah" hampas ko sa kanya at agad naman syang tumawa.

"Slow" irap nya and I elbow her shoulder.

Tutok kami sa laro dahil lahat sila ay magagaling lahat, hindi ako makapaniwala na magaling palang mag volleyball si Ali.

"Can I sit here?" Lumingon naman ako sa may-ari ng boses na iyon.

"Sure" kinuha ko yung gamit ni Ali at tumabi naman saakin yung babae. Sya yung vocalist ng group 1. Mas maganda sya sa malapitan tapos ang bango pa.

"Diba crush mo yan?" Alam kong narinig ng babae yung sinabi ni Kelly, agad ko naman itong siniko.

OH! MY PROFESSORWhere stories live. Discover now