CHAPTER 10

6K 191 4
                                    

Alexies POV

Matapos yung nangyari sa amin ni Ma'am ay hindi ko na rin sya masyadong pinapansin, baka kasi sabihin nya na turn on ako dun, hindi naman ako marupok.

Halos dalawang araw na rin na hindi pumapasok si Kelly, kinakabahan na tuloy ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya after ko syang ihatid.

"Ano iniisip mo? Ang lalim yata" Ali asks while I'm being dumbfounded.

"Si Kelly, hindi pa kasi sya napasok" sabi ko and she nodded.

"Baka may something lang, papasok din yun" ngiti nya and I sighed.

I go back on doing my notes, medyo nag aalala kasi ako sa mga nangyayari sa kanya. Natapos ko naman mag notes ay agad ko naman itong nilagay sa bag ko, hindi pa rin umaalis si sir dahil may balak yata syang i-announce.

"Everyone" tawag atensyon nito.

"So all of you are required to take a curricular activities, it's up to you kung ano ang pipiliin nyo. So, some schedule changes ang magaganap dahil kailangan nyong pumili ng activity na idadagdag nyo" tuloy tuloy nyang sabi and I sighed.

"Anong sasalihan mo?" Tanong ko kay Ali, I decided na mag Music nalang, namimiss ko na din kasi mag gitara.

"Sports, I guess" sabi nya at umawang naman ang mga labi ko. I didn't expect her answer, hindi kasi halata na sporty sya.

"I prefer music" sagot ko kahit hindi naman ako tinatanong.

"Oh, I remember that you play guitar" she smiles and I nodded.

"I want to see you playing a guitar" she added.

"You want me to serenade you?" loko kong tanong and her cheeks blushed.

"Y-yeah, but I want you to teach me how to play it," she says at agad naman akong tumango.

"Oo naman, bukas dalhin ko yung gitara ko" sabi ko sa kanya and she scratch her nape.

"I don't have any guitar" hala, eh paano ko sya matuturuan kung wala syang gitara.

"Don't worry, I'll buy it later" dagdag nya.

"Seryoso ka?" Nag aalangang tanong ko at tumango lamang sya.

"Ms. Lavigne" lumingon naman ako bigla sa may pintuan at nakita ko syang nakatingin saakin. She glared at me, lagi nalang galit.

"Here's the folder that you're asking" she gave a folder.

"Aren't you done?" Tanong nya kay sir at tumingin naman si sir sa watch nya.

"Oh, sorry class over time na pala. Thank you Ms. Lavigne" he smiles at Ms. Lavigne.

"Bagay kayo sir" sigaw naman nung ibang classmate ko and I saw sir got blush. Ang baduy.

"Kayo talaga" saway nya sa ibang students and I just rolled my eyes.

"Alcantara" Ma'am called me and I look at her.

"To my office, I have words with you," she says tsaka sya lumabas.

Malapit na ako sa office ni Ma'am pero nakasalubong ko si Mrs. Dizon, she's walking like a run away model, hindi mo iisipin na may asawa na sya.

"Alcantara" masigla nyang bati.

"Where's Kelly?" She asked and I sighed.

"Hindi pa nga po pumapasok after nung nangyari eh" sabi ko and she furrowed her eyebrows.

"Anong nangyari?" Tanong nya and I widened my eyes, sabi ni Kelly wag ko daw ipagkalat.

"Wala po Ma'am, una na po ako inaantay po ako ni Ms. Lavigne" paalam ko tsaka ako tumakbo, narinig ko namang tinawag nya ako pero hindi ko nalang pinansin, baka kung ano pa ang marinig ko. Agad naman akong kumatok habang tinitignan si Mrs. Dizon na papalapit saakin, baka sapakin ako ni Kelly pag nalaman nya.

OH! MY PROFESSORWhere stories live. Discover now