CHAPTER 18

5.6K 226 20
                                    

Alexies POV

Nagising ako dahil sa malakas na hampas mula sa balikat ko, agad naman akong napatayo mula sa pagtulog. Hinawakan ko ang parte ng braso kung saan ako hinampas.

"Aray naman" reklamo ko at napansin kong nakaupo si Ma'am sa kama ko.

"Why am I here?" She monotone.

"Dinala kita" hinimas himas ko nalang yung braso ko, buti nalang hindi sa pisnge.

"Why?" She asked, dami naman tanong nito hindi nalang manahimik.

"Nadatnan kasi kitang nakahandusay sa condo mo, tapos dinala kita dito" sabi ko sa kanya at agad na umupo sa kama ko. Nabigla tuloy yung gising ko.

"Why?" She asked again and I furrowed my eyebrows.

"Anong why?" I look at her and she looks at me.

"Why did you go to my condo?" She asked and I sighed, ang daming tanong hindi nalang mag thank you.

"Nag alala ako kasi hindi ka pumasok ng 1 week" I say and she nodded.

"Nag alala ka?" Tanong na naman nya, hindi ba sya nauubusan ng tanong.

"Kakasabi ko lang Ma'am, bingi ka ba?" Inis kong sabi, sana hindi nalang ako nito ginising kung puro tanong lang sya.

"Why?" Tanong na naman nya na dahilan kung bakit inis na inis na ako.

"Ma'am! Leche tanong nang tanong" inis kong bigkas nya at sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Magpahinga ka nalang" she just rolled her eyes.

"I'm going home" tumayo naman sya at agad namang inalis yung pagkatusok ng karayom ng dextrose sa kanya.

"Hindi ka pa nga okay, dumugo tuloy!" hila ko naman sa kanya pabalik, nakaka bad trip na itong babaeng 'to.

"Why are you shouting at me!? I'm just asking a question!" Yung inis ko kanina ay nawala dahil sa sigaw nya.

"Wag mo kasi akong ginigising nang ganun, balik ka na dali" pagsusuyo ko sa kanya, kung kanina ay galit ako ngayon sya naman.

"I'm going home" inalis nya yung kamay ko na nakahawak sa braso nya.

"Crystal naman" angal ko sa kanya, ayaw talaga mag paawat jusko.

"Anong nangyayari?" Agad namang bumungad si Mommy sa kwarto ko.

"Si Ma'am kasi" sumbong ko and Mommy put her hand on Ms. Lavigne's forehead and neck.

"Mataas pa lagnat mo, nak" agad namang pinaupo ni Mommy sa kama ko, kay Mommy lang pala susunod 'to.

"Bakit mo inalis?" Agad na kumuha ng malinis na tissue si Mommy at pinunas sa kamay ni Ms. Lavigne.

"I h-hate needles" I pressed my lips together.

"Kumain ka na muna dun Alexies, ako na bahala kay Crystal" agad na tumango ako at nilingon ko si Ma'am tsaka ako inirapan.

"Alexies" tawag saakin ni Mommy.

"I cook a porridge, bahala ka kung anong kakainin po pero kumuha ka ng porridge after mo kumain tapos dalhin mo dito" utos ni Mommy and I nodded. Pag saakin ay bahala na ako, pero pag kay Ma'am specific.

Agad naman akong bumaba at kumuha ng lugaw, yun nalang kakainin ko. Fight me, basta walang tatalo sa porridge lalo na pag may tokwa.

After kong kumain ay agad naman akong kumuha ulit para naman kay Ma'am. Agad akong umakyat at kita kong iba na ang suot ni Ms. Lavigne, masyado nya ng sinusuot ang mga damit ko, pero mas gusto ko nga yun.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon