06 | Moment of Truth

477 47 31
                                    

Masayang-masaya si Ali... na ngayon ay si Cole. He's the son of Hephaestus, the Olympian god of fire and woodcrafting.

"Alam mo, Deia, binigyan niya ako ng weapon! Tignan mo, oh!" Pinakita niya ang isang hammer sa'kin. Yung parang kay Thor pero mas maliit ito.

"Congrats, Cole!" pagbati ni Callie. Naks naman, demigod ka na rin katulad namin!" Natutuwa rin ako para kay Cole pero hindi ko maiwasang kabahan.

Ako kaya? Katulad ni Cole... makikilala ko rin ba sila? Ang magulang ko?

Masaya naman talaga ako dahil alam na alam ko kung paano naghirap si Cole. Katulad ng ibang bata, nagtaka rin siya kung bakit wala siyang ama. Naiingit siya sa iba na kumpleto ang pamilya at napapaisip siya kung mahal ba talaga siya ng ama niya.

Our wish was to find our true parents, but because we were demigods... we weren't able to. 

Iwinaksi ko nalang ang mga isipin na yon. Ayoko rin namang mainggit kay Cole hangga't hindi pa ako pumupunta sa harapan. Baka palarin din naman ako katulad niya.

Pero kung hindi man... at least nakilala ni Cole ang ama niya. Sapat na siguro yon. 

"Deia, ikaw na," bulong niya sa'kin. Napatingin muna ako sa kanya nang ilang segundo bago magpatuloy sa harapan.

Kaya ko to.

Kaya ko naman to, diba?!

"Miss Deia, welcome to Elysium Academy." Katulad nang kanina, ganon din ang naging pagbati sa'kin ni Irisha. Nakakagaan ang mga ngiti niya kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

Nginitian ko siya pabalik. "Are you ready? If so, please stand in front of the odigo." Sinunod ko ang utos niya.

Like Cole, I closed my eyes and tried feeling the presence of my deity parent. Seconds felt like minutes... but nothing.

Isang hiling lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Please.

Please acknowledge me.

Ilang segundo pa ang lumipas, pero hindi... hindi siya dumating.

Isang ngiti na may simpatya ang ibinigay sa'kin ni Irisha nang buksan ko ang aking mata. "Sorry..." she mouthed. Surprisingly, I didn't feel anything.

I was not disappointed nor ashamed.

Nagtagal pa ako nang konti bago mapagdesiyunan na maglakad palayo. Aalis na sana ako pero nagulat kaming lahat nang umilaw ang odigo. Hindi makapaniwalang tumingin ako kina Callie na namamangha rin.

And slowly... the odigo took shape of a familiar god. A familiar statue.

He's here.

My father is here.

"Aurora, my daughter."

Nagbago ang kapaligiran. Kung kanina ay nasa banquet hall ako, puro kadiliman naman ang nakapalibot sa'kin ngayon. I was trapped in a room of endless darkness and I didn't know a way out.

Napatingin-tingin ako sa paligid bago magsimulang maglakad. Anong lugar 'to?

Unti-unti akong nakaramdam ng lamig mula sa likuran kaya napatigil ako. Nang mapansin na may naglalakad papalapit sa'kin ay tumalikod ako at hinarap ang misteryosong diyos.

Nakakamangha.

Nakatayo ako sa harapan ng isang lalaking may balbas at may hawak ng dalawang-tulis na sibat.

A bident. Yun ang tawag sa hawak niya.

At sa likod ng diyos... nakasilip ang isang aso na may tatlong ulo. Medyo nakakatakot.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now