14 | The Book

361 31 39
                                    

AURORA'S POV

Pagkatapos kong makita ang lalaking yon, hindi na siya mawala sa isipan ko. Pakiramdam ko talaga ay kilala ko siya... pero sa totoo lang, wala pa akong nakikilalang may pilak na mata.

"Gods." Bahala na nga. Nalilito lang ako lalo.

It's the next day. All I did was stay at the clinic to check on Cole yesterday. Thankfully, I wasn't alone. Amari was there too.

Lumabas na ako sa kwarto ko pagkatapos magbihis. Bumungad sa'kin si Tazyn na may dalawang pigtails. "Holy Hades."

Napatakip ako sa aking bibig nang masabi ko yon. Napatingin sa'kin si Tazyn dahil sa nagawa ko kaya nakaramdam ako ng hiya. "You look adorable," I complimented her and smiled. Biglang namula ang mga pisngi niya.

"Ang ganda mo din, Aurora."

Lalo akong napangiti. Nilampasan ko siya at dumiretso sa kusina na katabi lang ng sala kung nasaan si Tazyn. "Where are the others?" tanong ko habang umiinom ng tubig.

"Pinatawag sila ni Headmistress Adhira. Hindi ko din alam kung bakit eh," nakangusong aniya. "Nga pala, maya-maya pa ang unang klase natin. Isa lang naman, Demigodly."

Demigodly? Ano naman yon?

Natawa si Tazyn, 'tila nabasa ang isipan ko. "Demigodly is the subject where we enhance our abilities. Pinaka paborito ko ang subject na yon dahil si Headmistress Adhira ang guro natin."

Agad akong napasimangot. Pwede kaya mag-absent don? "May PE na nga, may Demigodly pa," nakasimangot kong bulong. "Hindi na kayo naawa sa'kin."

Mabubuhay pa kaya ako pagkatapos ng school year na 'to? "Wag kang mangamba, Aurora!" Humaghikhik si Tazyn. "Magiging malakas ka din, maniwala ka lang sa'kin."

She truly is a ball of sunshine. I hope she stays this way.

"Do you wanna come with me?"

Nagtatanong ang mga mata ni Tazyn nang tumingin siya sa'kin. Bahagya akong napatawa. "I'm going to the library for some research. Ikaw ba? Wala ka kasing kasama dito eh."

Her eyes lit up and glowed bright pink, a sign of happiness. Agad naman itong bumalik sa dati nitong kulay pagkatapos ng ilang segundo. "Sorry ah, ganon lang talaga ang mga mata ko pag masaya ako," pag-amin niya. "Pero sige, sama ako sayo! Wala din kasi si Talia eh."

Agad kong hinablot ang kanyang kamay at hinatak siya palabas ng dorm namin. "Hihi, pupunta ako sa library kasama si Aurora!" masayang sigaw niya kaya natawa ako. Para talaga siyang bata.

While walking, she would skip happily like a child who explored for the first time. "Bakit parang masaya ka, Tazyn?" biglang tanong ko.

Ngumiti ulit siya na halos mawala na ulit ang mata niya. "Masaya lang akong makasama ka, Aurora!" sagot niya. "I would only see you in..." pabulong na dagdag niya kaya hindi ko siya narinig.

Anong sabi niya? Saan niya ako nakikita?

"Pero Aurora, hindi mo ba alam kung anong kapangyarihan ng singsing mo?"

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now