33 | Chaotic Mess

200 9 0
                                    

AURORA'S POV

"Mira..." Malapit na talaga akong umiyak dito! "It's you." Inalis ko na ang mga braso ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

Mira talked to the man in front of her, her business partner probably, before turning her attention back to me.

Nagpaalam sa kanya ang kausap niya.

"Yes..." She patted my head. "It's me, Deia."

Napanguso ako habang pinupunasan ang aking mga luha. Oh for Hades' sake! Nakakahiya naman 'to!

"How have you been, Deia?" I saw a small smile pass her lips. "Or should I call you Aurora now?"

Lalo tuloy akong napanguso. "Ikaw bahala..." mahinang bulong ko.

Lumingon si Mira sa likod ko at ginaya ko siya. Nanlaki ang mata ko nang makita sina Talia na sumunod pala sa'kin.

"Oh my greeks-" Agad na napatigil si Talia. "Ms. Mira!" she exclaimed with a hint of recognition on her face. Mukhang naalala niya si Mira sa maikling panahon na nagkasama sila.

"Good day, daughter of Apollo," bati ng guardian ko pabalik.

"Ms. Sage." Amari's serious voice pierced through the atmosphere. Tumingin sa kanya si Mira at nagpalitan sila ng mga tango.

Ganito pala pag nagkasama silang dalawa? Nakakatakot pala.

"What brings you to Greece, Elysians?" Pinutol ni Mira ang sandaling katahimikan na bumalot sa'min.

Marahan akong ngumiti sa kanya. "We went on a mission and well... let's just say things took a turn," paliwanag ko sa kanya. Napatango-tango siya.

"Kakatapos lang po naming magshopping hihi," singit ni Tazyn. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa.

Ang cute talaga ni Tazyn!

"I see..." Mira whispered. "Have you been taking care of Deianeira?" tanong niya pa. Nakita ko ang bahagyang pagbago ng ekspresyon ni Amari.

They took care of me as their own, I wanted to answer.

Naalala ko na natakot pa akong pumunta sa Elysium Academy dahil ayokong mapahiwalay kay Mira.

Pero dahil kinausap niya ako at tumuloy ako, ngayon... may mga kaibigan na ako.

"Oo naman po!" magiliw na sagot ni Callie. "We don't let a single insect touch her luscious hair!" Tinaas-baba niya pa ang kanyang mga kilay habang sumasagot.

Palihim akong napatampal sa noo.

Mira smirked, nodding to herself. "Very well. That's all I need to know."

"How about the necklace I gave you, Deia?" tanong niya bigla sa'kin. "Is it still with you?"

I unconsiously held the necklace before nodding.

"Good. Don't lose it," paalala niya.

Nagkwentuhan pa kami. Tinanong niya ako sa mga nangyari sa academy. Kung kamusta na ako, kung ilan na ang mga naging kaibigan ko, kung nakakain ba ako ng maayos...

Hindi ko na inintindi ang oras hanggang sa kailangan niya nang umalis.

Bigla siyang humarap sa'kin. "I need to leave now, child, but fear not..." She gave me a meaningful gaze. "For this is not the last time we'll see each other."

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now