20 | Found Hope

327 22 36
                                    

AURORA'S POV

"Are you done? Pagod na ako." Cole groaned while carrying the shopping bags.

Napasimangot si Talia dahil sa kanyang sinabi. "But we've just started, Cole!" reklamo nito.

The latter rolled his eyes. "Pake ko?" pagsusungit niya. "Tignan mo 'tong mga hawak ko. Lahat nang 'to ay sayo, Talia!"

Napanguso si Talia. "I'll just buy you something then..." bulong nito.

Mahina akong napatawa sa kanilang dalawa. "Ang cute niyo naman," pang-aasar ko. Sabay silang napatingin sa'kin, nanlalaki ang mata.

"Luh?"

"Respectfully, it's a no for me, my love."

I let out a small chuckle. "I didn't say anything though." Ngayon ay sinabayan na rin ako nina Tazyn sa pagtawa.

"Whatever. Where do you wanna go next?" Talia asked, trying to change the topic. "Gusto mong pumunta sa flower shop, Callie?"

Agad na nagliwanag ang mata ng katabi ko. I guess she's excited. "Of course! I'm gonna ask the nymphs if they have new campanulas in stock!"

Naalala ko tuloy ang unang beses na pumunta kami sa flower shop dito. Nung una, natakot pa ako sa mga nymph dahil si Persephone ang kanilang amo. Buti na lamang ay mabait sila, katulad ng diyosang kanilang sinasamba.

I'd want to meet her someday, I thought. Sigurado akong mabait at maganda siya katulad ng mga kwento nila sa'kin.

"Kayo? Sasama ba kayo sa flower shop?" natatawang tanong ni Callie sa mga lalake na wala nang gana. All of them looked like they were tired.

"I'd rather stay here," agaran na sagot ni Mavi. "But since I don't want Cole to be alone with all of you, then I'll tag along."

Cole faked a cry. "Wow, I'm so touched naman, bro!" pag-iinarte nito. I couldn't contain my little laughter.

"How about you, Raven?" Si Talia ang sunod na nagtanong.

He shrugged as a reply and I didn't know if that meant a yes or a no. "I'll take that as a yes, my love," Talia said as she giggled. "I'm assuming you'll come with us, Hiro?"

The latter squinted his eyes before frowning. Tahimik siyang tumayo bago manguna sa paglalakad. Ang daldal niya talaga, noh? Ramdam na ramdam mo palagi yung excitement niya.

"Aba, bastos yun ah!" pangbabara ni Callie na parang hindi anak ni Aphrodite ang kausap niya. Natatakot akong galitin ang mga katulad ni Hiro kasi baka mamaya mapaluhod ako nang wala sa oras.

"Very mature," Amari remarked sarcastically. She shook her head in disbelief before walking and reading her book once again.

Seryoso, ba't hindi siya natatapilok habang nagbabasa at naglalakad?

Agad kaming sumunod sa kanila at nakarating na din kami sa flower shop. Binati kami ng masasayang ngiti ng mga nymph.

Yumuko sila nang pumasok si Hiro. He nodded as a reply. "Welcome, Elysian Class!" pagbati nila sa'min. Nginitian namin sila.

Nanguna na si Callie na agad na pumunta sa mga campanula. Si Tazyn naman ay agad na hinila ni Talia patungo sa mga sunflower samantalang si Amari ay nasa isang gilid lang.

Ang mga boys? Syempre, nakatayo lang at bagot na bagot na. Kahit ganon, nagpapasalamat naman akong sumama sila sa'min.

I went to the corner covered with dandelions. They weren't the prettiest, but they certainly got my attention. "Ang ganda," namamangha kong puna.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now