25 | Butterflies

288 17 22
                                    

AURORA'S POV

Kahapon, inayos namin ang mga batong katawan. Inuwi muna namin ito sa hotel sa tulong ni Akira, ang nymph na kaibigan ni Tazyn.

Ngayon naman ay ipapadala namin ito sa sementeryo na pagmamay-ari ng aking ama na si Hades upang mailibing nang maayos.

Tinitigan ko ang paru-paro na nagpapahinga sa aking daliri. "You're pretty," bulong ko.

Naramdaman ko ang simoy ng hangin na nililipad ang buhok ko. Nakasandal ako ngayon sa isang pader, hindi pa rin mawala sa isip ko ang aking mga nakita.

"I pity them. They didn't deserve to die like that, my love." Narinig ko ang boses ni Talia na inaalo ang kanyang kambal na umiiyak.

Napasinghot si Tazyn. "Kung dumating ba tayo ng mas maaga... matutulungan ko kaya sila?"

Napakagat ako sa aking labi habang dinadama ang hangin na patuloy na lumalakas. Inaayos nina Raven, Mavi, at Hiro ang mga katawan habang kami ay tumutulong sa kanila.

Wala naman kasing maniniwala kapag sinabi naming naging bato ang mga nawawalang tao.

"Where do we put these anyway?" tanong ni Mavi na nagbubuhat ng mga batong katawan. Nakabalot ang mga ito sa tela.

Inihinto na muna namin ang oras dahil pag nakita ito ng iba, akalain pa nilang kriminal kami.

Amari sighed. "I sent two limousines here. One will be for us. The other one will be for the bodies."

Napatango-tango kami.

"Pwede ba tayong dumaan sa mall?" Biglang tanong ni Tazyn. Napatingin kami sa kanya, nagtatanong din ang mga mata. "Gusto ko kasi munang mamasyal para makapag-isip ako nang maayos..." bulong nito.

Among the nine of us, Tazyn was the kindest, and she had the softest heart. It was understandable for her to feel this way.

Sa huli, pumayag agad sina Hiro sa hiling ni Tazyn.

Maya-maya, dumating na rin ang mga limousine. Mga centaur ang nagmamaneho nito, kaya namangha ako. Sila ay kalahating kabayo at kalahating tao.

"Dito nalang po!" sigaw nung isa. Binuksan niya ang pinto at ipinasok na ng mga lalaki ang mga katawan.

I needed to avert my gaze because my heart started to ache. Whoever did this must pay.

I caressed the ring my father gave me. The butterfly I was playing with started flying, and it landed on the ring on my finger. After a few seconds, the butterfly was absorbed by the amethyst in the center.

Nawala na parang bula yung paru-paro.

Napangisi ako nang kaunti.

Naramdaman ko ang titig ng isang tao sa'kin. Tinaas ko ang aking ulo at nakasalubong ko ang tingin ni Cole. Nakatagilid ang kanyang ulo habang sinusuri ako.

Nakita niya siguro ang nangyari.

Before we left for the mortal realm, I discovered this ring could be used as a storage device. This is where I hid the mysterious book I saw in the library. Dito rin nanggaling ang mga paru-parong nakikita ko.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now