17 | The Mission

334 22 30
                                    

TALIA'S POV

"Are you saying that you're sending us on a mission after we just returned from one?"

I groaned in frustration. I suddenly regret coming to the headmistress' office.

"What is it about this time?" Hiro asked. His voice was a bit cold, and I know he didn't like where this was going.

When the realm is in danger, we are always the demigods they would call.

When there is chaos, the Elysian Class would always be there.

Pero parang nakalimutan din ata nila na napapagod rin kami. Mortal pa rin kami kahit papaano.

Headmistress Adhira sighed, and just like us, she was tired of what was going on. Hindi na ba talaga uso ang pahinga dito sa greek realm?!

Paano yung Olympians, ha? Ano bang ginagawa nila?!

"Talia, your thoughts are too loud," bulong sa'kin ni Amari na kasalukuyang sinasamaan ako ng tingin. Nakalimutan ko nga palang nakakabasa siya ng isip.

I shyly smiled at her. "I'm sorry, my love. It's not gonna happen again."

She looked at me for a few seconds before averting her gaze. "Shall we summon Aurora and Cole?" biglang tanong niya. "They are part of the Elysian Class, after all."

Napatango-tango si Headmistress Adhira bilang pagsang-ayon. "Is Cole alright?"

Napatango si Amari.

"Talia, Hiro, please summon the both of them for me," biglang utos niya kaya napaturo ako sa aking sarili.

Teka, ako? Ako talaga?!

"Yes, you. Obviously," sarkastikong bulong ulit sa'kin ni Amari. Inikutan ko siya ng mata dahil kanina pa siya ah!

"Opo, Headmistress." Like a child who didn't get candy, I stood up with a gloomy expression on my face.

Ayos na sana eh, kaso ba't kasama ko ang masungit na 'to?! Si Tazyn at Aurora lang talaga ang mabait sa'kin eh!

"Nasaan ba si Aurora?" I asked, but he didn't answer. Palihim akong napasimangot.

Paano ko sila susunduin kung hindi ko naman alam kung nasaan sila? Si Cole ay nasa clinic pero hindi ko alam kung nasaan si Aurora.

Habang naglalakad sa hallway ay napansin ko ang mga estudyanteng naglalakad, abala sa kani-kanilang gawain. Some of them would smile at us while some would bow.

"Sa clinic kaya muna tayo?" tanong ko ulit. Tinignan lamang ako ni Hiro bago itabingi ang kaniyang ulo. Nahiya na ako dahil napagtanto kong kahit anong gawin ko, tinatamad talaga siya magsalita.

Pero sa hindi inaasahan, tumango siya sa'kin. Oh my greeks, it's a miracle! Kahit papaano, tumugon siya sa'kin!

Umuna siya sa'kin sa paglalakad pero hindi naman ako biniyayaan ng mahabang binti katulad niya kaya medyo napalayo na siya sa'kin.

"Hey, wait up!" sigaw ko. Tinanggal ko na ang sapatos ko at hinawakan nalang ito habang tumatakbo.

Nang makarating sa clinic, nakita kong kausap na ni Hiro si Nurse Sav. Sunod akong napatingin sa kama kung nasaan si Cole na ngayo'y gising na.

"Pwede na po akong lumabas?" he asked, his eyes full of hope. Nang tumango si Nurse Sav ay agad siyang napatayo sa saya.

Sinuot ko muna ang sapatos ko bago siya samaan ng tingin. "Love, I suggest you not to move too much. Baka kakalabas mo pa lang sa clinic, babalik ka na agad."

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now