26 | Messages

258 16 18
                                    

AURORA'S POV

"Ba't di mo sinabi agad?!"

"I forgot!" depensa ko.

Kahit kanina pa kaming naglalakad, hindi pa rin maka-move on si Callie sa nangyari kanina. Muntikan na kasi siyang malason kung nahawakan nya yung paru-paro ko.

Pinigilan ko naman siya eh...

Itinigil na rin namin ang oras para makapaghanap kami ng maayos. Dahil galing sa mythological realm ang mga hinahanap namin, madali namin silang matutunton kung nakakagalaw sila sa tinatawag nilang time stop.

Nalaman ko din kay Amari na dito huling nakita sina Hermes at Iris kaya sa mall na ito kami pumunta.

"Sorry na, Callie..." Bigla akong sumimangot. 'Di ko naman kasi sinasadya eh!

"Libre muna," pang-aasar niya sa'kin. Binelatan ko siya bago bilisan pa ang paglalakad hanggang sa makasabay ko sina Aelia.

May ilang paru-paro na nakasunod sa'kin, at pansin ko ang pag-iwas ni Aelia. "What's the matter?" I asked innocently.

She frowned. "Can you uhm..." Napanguso siya bigla. "Can you move the butterflies? They're kinda scaring me now that I know they're poisonous," pag-amin niya.

"Why do they need to be so deadly anyway?" she asked again, frowning.

Nagtataka din naman ako eh... ano nga ba ang naisip ni Hades nang regaluhan niya ako ng grace na paru-parong may kasamang lason?!

Bagay nga talaga sa kanya ang maging hari ng underworld.

"My nightingale, you are the scion of this land. You and I are no different." Bigla akong napatigil nang marinig ang boses niya sa isip ko. Medyo natatawa pa nga siya.

Ah, nga pala, anak niya ako.

"Saan tayo pupunta ngayon?" kuryosong tanong ni Callie mula sa likod. "Saan ba kasi tayo magsisimula?!"

Kai scoffed. "Chill, dude."

Nagpaikot ng mata si Callie. "It's like finding a needle in a haystack," komento nito.

"Amari, yung tungkol sa nangyari kanina..." Biglang sumingit si Tazyn. Sinadya niyang hinaan ang boses. "Alam niyo na ba kung sino ang may gawa non?"

Amari nodded. "Aurora and I have someone in mind, and we're trying to confirm it," seryosong saad niya.

Bigla akong nagulat nang banggitin niya ang pangalan ko. Sa totoo lang, mula nang makita ko ang mga katawan, kilala ko na agad kung sino ang may gawa at sinabi ko agad ito kay Amari.

Sa kabutihang palad, pare-pareho lang naman kami nang naisip.

Ilang segundo, bumalik na din ang paru-parong inutusan ko kanina. I extended my hand, and it landed on my finger. I delicately stared at it. "How was it?" I asked.

Hindi naman nakakapagsalita ang mga paru-parong ito, kaya hindi ko sila maintindihan nung una, pero nadiskubre kong may namana akong abilidad kay Hades. Ito ang ginagamit niya upang makausap si Cerberus, ang kanyang aso na may tatlong ulo.

Natatakot pa naman ako sa aso...

My brain automatically translates whatever language the butterflies Hades gave me is using. I'm the only one capable of understanding it. Quite cool, honestly.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now