11 | Out of Control

407 33 45
                                    

AURORA'S POV

Pagkatapos pagurin ang utak ko, papagurin naman nila ang katawan ko. Hindi ba uso ang pahinga dito?

"Akala ko katapusan ko na yung Greek History pero mukhang PE pala!"

Pagkapasok pa lang namin sa loob ng gymnasium ay bigla na kaming pinatakbo ng guro namin na si Sir Saint, isa ring protector ng academy. Anak siya ni Apollo.

"You're too slow, Talia!" sigaw niya. "Pick up the pace, Mavi!"

Hinihingal akong tumakbo. He told us to run five laps around the field and I've done three. Dalawa na lang.

Kung sino ang mahuhuli sa'ming siyam, siya ang maghuhugas ng mga plato mamaya sa dorm. Syempre, ayokong magpatalo.

Tapos na sina Amari, Hiro, at Raven sa pagtakbo at malapit na si Mavi. Nahuhuli naman sina Cole, Talia at Tazyn. Kasabay ko lang ngayon si Callie.

Thank the heavens! Buti nalang talaga at lagi kaming nag-eensayo ni Mira dati. Sa ngayon, kahit nahihirapan man, alam kong kaya ko 'to.

Nagtagal ako nang ilan pang minuto bago makatapos. Nakakapagod talaga! Sunod na natapos sa'kin si Callie, at ngayon hinihintay nalang namin ang tatlo na mukhang mawawalan na ng hininga.

"CURSE THE GODS!" Talia's scream could be heard throughout the whole field. "SIR SAINT, ITIGIL NA NATIN 'TO!"

Napuno kami ng tawanan dahil sa kanya. Pati ang guro namin ay nahawa na. "Almost there, you three!"

Sa huli ay si Talia pa rin talaga ang natalo kaya nakasimangot siyang bumalik dito. "I already have my abilities, so why do I even have to learn how to train with a weapon for Apollo's sake?!" reklamo nito. Nakita ko ang pagsama ng tingin nina Amari sa kanya.

"Imagine if I take away your abilities, daughter of Apollo, what would have you become then?" seryosong tanong ni Sir Saint. Napatigil kaming lahat.

"I am one of Apollo's children myself but even I, without my powers, am not strong enough to fight evil unless I have proved myself to be worthy."

Napatahimik si Talia bago mapatungo. Mukhang napagtanto niyang tama si Sir Saint. Kung wala naman kaming kapangyarihan ay wala din kami.

"For today's training session, I want to see your new members' potential. Aurora, Cole, step forward."

Oh for Hades' sake!

Napatingin kami ni Cole sa isa't isa. Palihim akong napapalunok sa tuwing nagtatama ang paningin namin dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"Battle each other," utos ng guro namin.

Agad na nanlaki ang mata naming lahat, kasama na ang akin. Ha?! Sigurado ba siya don? Matatalo lang ata ako eh!

Nalilitong tingin ang binato sa'kin ni Cole, mukhang nag-aalala. "Sure ka na po dyan, Sir Saint? Ayoko pa po mamatay ng maaga."

Ay, di pala siya nag-aalala para sa'kin. Nag-aalala siya para sa sarili niya.

Sir Saint's eyebrows raised. "Are you refusing, demigods?"

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now