31 | A Voice

242 15 11
                                    

AURORA'S POV

"Babalik na kami sa academy mamaya..."

I caressed Skye's fur before looking down with a frown on my face.

Umalis na sina Hermes at Iris kahapon at sinabing magbabalita sila sa Mount Olympus.

Parang bumalik na ulit ang takot ko, pero pinilit ko ang sarili kong wag nalang isipin yon.

"Why are you frowning?"

Nakasimangot akong lumingon sa nagsalita. Agad na kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung sino ito.

"What are you doing here?" tanong ko pabalik.

I was sitting on the sofa with Skye on my lap while he sat on the other seat in front of me, legs crossed and arms settling down on the armrest.

His face was still emotionless, and I wasn't surprised a bit.

Nakakagulat nga na kinakausap niya ako eh.

"You look..." He tilted his head and looked at me from head to toe. "Awful."

Nandito ba siya parang insultuhin ako?

I scoffed. "Umalis ka na nga," nakanguso kong tugon. Hindi ko na siya pinansin at nakipaglaro nalang ako kay Skye.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagtaka ako kung bakit hindi pa rin siya tumatayo mula sa kinauupuan niya kaya nilingon ko ulit siya. "Why are you still here, Hiro?"

He eyed me seriously before sighing. "Do you still want to go to the mall, Aurora?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, hindi inaasahan ang tanong niya.

"Hindi mo naman ako pinayagan eh..." mahinang bulong ko. "Nung nagpaalam ako sayo, sabi mo hindi pwede."

Muling bumalik ang lungkot ko nang maalala kong nagtanong ako sa kanya dati kung pwede kaming maglibot dito sa Greece pagkatapos ng misyon.

Ang kaso, hindi niya ako pinayagan.

Kung hindi lang dumating sina Mavi at Tazyn non, baka nabatukan ko na ang lalaking 'to.

"Do you wanna go to the mall with the others today?" maikling tanong niya sa'kin.

Hindi ko siya sinagot at sumimangot nalang ako.

Bakit biglang nagbago ang isip niya?

"Stop sulking. I've already granted you my permission, brat."

Unti-unti nang nawala ang lungkot ko dahil sa sinabi niya. Mukhang kailangan ko rin maglibang bago kami bumalik sa academy. Kasama ko naman sina Talia eh.

"Wala nang bawian, ah?" nakangiti kong tanong. Hesitant, he nodded.

I grinned. "Thank you, Hiro," I said sincerely.

He rolled his eyes. "I think I'm regretting this all of a sudden," sambit niya. May halong pang-aasar sa tinig niya kaya napatawa nalang ako.

"You shouldn't," I teased back. "Don't you want the others to see what the son of Aphrodite is really like?"

He glared at me, and I stuck out my tongue to tease him even more.

Tumayo na ako habang dala-dala ang pusa. Binigyan ko siya ng huling sulyap bago lumakad paalis.

Embracing Chaos (#1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora